Winnie Cordero, may nasabing mali na sya namang nakapagpatawa kay K Brosas habang iniinterview nya ito tungkol sa pagkawala ni Chokoleit

“Nobody’s perfect,” wala nga namang perpekto sa mundo at hindi natin maiwasang magkamali sa kahit ano mang bagay. Bawat kilos, galaw o salita ay hindi natin mapeperpekto, hindi talaga natin ito maiiwasan maging ang bunga nito ay mas hindi rin natin matatakasan.


Pero, kahit mapa simpleng bagay o isang salita na tayo’y magkamali ay tila magbubunga nang hindi kanais nais na pangyayari. Lalo na kung naka ere pa ito sa National Television.

Kagaya na lamang ng isang episode ng ABS-CBN Morning show na Umagang Kay Ganda. Nagbigay ng tribute ang UKG sa komedyanteng si Chokoleit na pumana]@w lamang kamakailan lang.


Sa pangunguna ng kanyang matalik na kaibigan na si K Brosas ay isinagawa ang tribute at ininterview siya ni Tita Winnie. Ngunit, tila iba ang naganap.

“Anong gustong mong sabihin? Naririnig ka ni Pooh ngayon, ” iyan ang naitanong ni Tita Winnie. Imbis kasi na Chokoleit ibang pangalan ang kanyang nabanggit. Si Pooh ay isa pang komedyante na kaibigan din ni K pero buhay na buhay pa.


Kaya, imbis na maiyak ay hindi na napigilan ni K na matawa. Pero nagawa pa rin namang i compose ni K Brosas ang sarili at sinabi:

“Teka lang buhay pa yung isang kaibigan ko. Tita Winnie, huwag naman lahat sila! Pooh, pasensya na! Buhay pa siya.”

 

View this post on Instagram

 

Ayaw kong bumangon.. Di pa rin lubusan matanggap..,ang dami nating pics chokie.. last year lang around this time nasa Lake Tahoe tayo, kc natuwa At nakasanayan na natin mag mini vacay pag nasa u.s tayo na May shows.. una SA Yosemite tapos big bear.. sagot mo pag kain kaya happy fiesta lagi ulam natin.. at lasing lahat.. hindi lang kita lagi kasama SA show at guest pa kita SA major concert ko.. tapos lalo pa tayo naging close dahil ginawa tayong ninang ni pokie kay malia… tuwang tuwa ka ng nalaman mo na malapit na matapos haws ko, sabi mo papa Buntis mo aso mo para mabigyan ako NG puppy.. isang aso mo gift namin sayo na hati hati kami ni pokie At Pooh.. kahit mahal dedma kc never naging issue ang pera saten.. At ganon ka namin kamahal.. Pati mga anak namin ni pokie mahal na mahal ka.. gumugulong kami SA kakatawa sayo.. ako, minsan hindi nako sumusunod SA script dahil tawa na lng ako NG tawa… hirap NG ganito.. dapat nasa Abra din ako, alam nila yan pero biglang hindi nag pwede sched ko… hindi ko alam gagawin ko kung andon pala ako.. grabe ka chokie, pwede naman na Di ka na nag show pero dahil kilala kita tinuloy mo kahit sobrang hirap. Hanggang SA huling hininga mo PinilI mo pa rin magpatawa… sino na ngayon ang Mang aasar samen ni pokie?? Sino ka duet na ni Pooh?? Hindi ka mapapalitan kelan man kc nag iisa ka. Sobrang mahal kita.. At Di ko alam pano ako babangon ngayon, literal.. sana makita kita At makausap SA panaginip. Di ko alam gagawin ko kundi Magdasal. Isa kang ALAMAT chokie.. I love you so much! 💔💔💔

A post shared by Carmela Brosas (@kbrosas) on


Samantala, maging mga netizens ay natawa sa nangyari pero nananaig pa rin ang kanilang pagka miss kay Chokoleit.

“Parang pumasok si chokie kay tita Winnie saglit para matawa si k kasi iyak lang xa ng iyak naawa siguro xa kay k. 😍😂

“Masaya tlga clang kasama, kht na malungkot at umiiyak may point tlga na bigla nlng clang the mapapatawa , ganyan tlga msayahing tao. Maraming memorable memories na masasaya at nakakatawa.”

“Tawang tawang ako at iyak kanina..yong moment na ng emo ka taz si tita winnie biglang nagkamali🤣😂🤣😂love you tita winnie😍😍


“Nag eemote na din ako may luha ng pumapatak sabay sabi kung nkikinig si POOH ngayun.🤣🤣🤣 pati sipon gustong bumalik pataas dahil sa tawa.”

“kahit ako naiyak iyak na bigla ako natawa hahah sa sinabi ni ate winnie”