Piloto, sinurpresa ang mga magulang sa isang espesyal na mensahe habang nasa himpapawid

Lahat nga naman tayo ay may pangarap. Ang iba’y nais maging guro, abogado, chef, doktor o piloto. May kani-kaniya tayong dahilan sa ating mga pangarap pero malaking bahahi ng dahilan na ito ay ang ating mga pamilya.

Source: Genesis Bernardo Facebook

Kagaya na lamang ng piloto na si Capt. Genesis Bernardo. Hindi lamang pagiging piloto ang kanyang pangarap. Mas malaking pangarap niya na maisakay sa eroplano ang kanyang mga magulang na siya mismo ang nagmamaneho.

Source: Genesis Bernardo Facebook

Noong una’y tila isang normal na biyahe lamang na nakasakay sina Paul at Solly Bernardo, magulang ni Genesis. Naririnig nila ang mga paaalala ng piloto sa mga pasahero.

Laking gulat nila na may pa sorpresa pala itong si Genesis at hindi lamang simpleng paalala ang kanyang sinambit. Kundi, isang mensahe ng pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob ang sumunod na sinabi ni Genesis.

Source: Genesis Bernardo Facebook

Karagdagan pa, ibinahagi din ni Genesis ang sakripisyo niya sa kanyang mga magulang at kung paano nila itinaguyod ang pangarap niyang maging piloto.

Binati din niya ang kanyang kapatid na kaarawan niya noon na kumukuha ng video.

Samantala, bilib na bilib naman ang mga netizens kay Capt. Genesis Bernardo.

“Capt. Genesis Bernardo, kong proud ka sa mga magulang mo, cguro mas super proud ang mga magulang mo sa iyo, dahil sa tinupad mo yong pangarap ng magulang mo maisakay sila. At dahil sa ginalingan mo nag aral ay naabot mo yong pangarap mo maging piloto. Kaya walang kapalit ng saya ng mga magulang mo sa narating mo ngayon. Good job.. God bless”

Source: Genesis Bernardo Facebook

“I ‘m really so touched while listening to your message for your parents and brother, you are indeed a man of dignity who are so loving, proud and so appreciative of your parents. I salute you man! Godbless🙏🏻🙏🏻🙏🏻

Source: Genesis Bernardo Facebook

“Sana lahat ng mga anak ganyan ang maging attitude towards their parents… Baka po walang magulang ang malulungkot sa pag tanda nila.. May assurance na kasi sila na di sila pababayaan 😊🤔☺️😁😍

Source: Genesis Bernardo Facebook

“Congratulations all parents are doing their efforts to give the best to their children for their bright future. And the children don’t realize it until they are enjoying the benefits of their success.”

Source: Genesis Bernardo Facebook

“Yan ang mga tunay na ank…hindi tulad ng iba..buti na lang kami may mga tunay na ank di tulad ng iba matapos pakinabangan ang magulang ng wala ng lakas oh pakinabang good byeeee na kawawa nmn…tatanda din sila hahahahahahaha”

Source: Genesis Bernardo Facebook