Batang tumutugtog ng gitara para sa pamilya, umani ng suporta mula sa mga Netizens

“Gitara, piano, drums o ukulele, ” ilan lamang iyan sa mga instrumento na talaga namang gustong-gusto lalo ng mga kabataan na tugtugin dahil sa kanilang kagustuhan sa musika. Marami ang tumugtog ngayon dahil iyon ang nakikita nilang talento sa kanilang mga sarili na kailangan nilang bigyang pansin.

Credit: Tj Clemente Facebook

Ang iba nama’y tumutugtog para sa kasikatan, o kabuhayan upang kumita ng pera sa pangaraw-araw. Habang ang iba’y simpleng libangan lamang dahil talagang gusto lamang nilang tumugtog.

Pero iba ang batang ito na pinost sa social. media ng netizen na si TJ Clemente. Tumutugtog ang bata na si Jonlie Cabradilla, 11 taong gulang mula sa Barangay Lawaan 2 Talisay City.

Modernong mga awitin pa nga ang kanyang tinutugtog gaya ng Buwan at D3spacito. Makikitaan mo nga naman ng galing ang batang ito.

Ayon sa netizen, tumutugtog si Jonlie para pandagdag sa pagkain ng kanilang pamilya at pambaon din niya sa eskwelahan.

Kaya ganyang pinost ito ni TJ na hangang-hanga din sa kanya. Narito ang bahagi ng kanyang post:

“Galing ng batang to! He’s from Cebu. Makikita niyo siya outside Rico’s lechon. Sabi niya sakin tumutugtog siya para makapagaral at magkaron ng makakain family niya. Saludo ako sa’yo! Sana one day ma discover siya para makapag aral siya at para mas makapag provide sa family niya. God bless you kid!”

Maging ang mga netizens ay humanga sa kanya at ang iba’y nais din talagang tulungan siya:

Credit: Tj Clemente Facebook

“napakagaling niya kaya lang kitang kita ang kalungkutan sa mukha niya. parang d siya masaya sa gianagawa niya. dapat mga ganyan ang tinutulungan makapag-aral..”

“yan bata na iyan bigyan natin ng pansin at pagkakataon bk pag laki nya mahusauy sya tumkugtog!!”

Credit: Tj Clemente Facebook

“Binigyan ko yan nung fiesta sa lapulapu city ang galing tumugtog xa sa tindhan nmin .”

“Kawawa naman sana mapansin ni vic3 ganda ang batang ito kahit paano mabgyan sya”

Source: Tj Clemente Facebook