Aeta Teacher, inspirasyon ngayon ng marami dahil sa kanyang pagtitiyaga bago makapasa sa LET exam pagtapos ng 25 na ulit

“Try and try until you succeed,” iyan nga naman ang dapat panghawakan kung nais natin na magtagumpay sa buhay. Walang pagsubok o pasakit na. hahadlang sa iyo. Dahil ito ay gusto mo at sa iyong naisin, kakayanin mo ang lahat hangga’t kaya mo.

Photo Source: Gennie Panguelo Facebook

Walang nananalo sa pagsuko. At kung susuko ka ay paniguradong talo ka. Kaya kahit ilang beses ka pang madapa, hindi ka magsasawang tumayong muli at subukang lumaban at gawin ang dapat upang subukan muling maabot ang rurok ng tagumpay.

Photo Source: Gawad Agila Facebook

Iyan ang pinanghawakan ni Teacher Gennie Panguelo na isang teacher sa Aeta Community sa kanilang lugar. Nagturo na rin siya sa Tarukan Elementary School sa Sitio Tarukan, Capas, Tarlac na kung saan siya ang nagiging guro ng mga Aeta dahil isa din siyang miyembro ng Indigenous people.

Taong 1988 ay nagtuturo na siya, ngunit sa katagalan ng panahon ay naghigpit ang Civil Service Commission sa lisensya ng mga guro na nagtuturo. Kumuha siya ng board exam at sa unang salang ay hindi niya nakuha ito.

Ngunit, hindi lamang isa, dalawa, o sampu. Umabot ng dalawampu’t limang beses bago niya nakita ang pangalan sa mga Licenced Professional Teachers noong 2016.

Sa tulong ng Carl Balita Review Center, kinuha siya bilang isang iskolar at nakuha na niyang pumasa dahil dito.

Kaya naman, umani din siya ng award na Carl Balita Review Center’s Agila Award 2018 at tinampok pa ang kanyang kwento sa Carl Balita Productions na pinamagatang “Maestra”.

Photo Source: Gawad Agila Facebook

“Sa mga kabataan na tulad kong naghangad na maging titulado, huwag po kayong manghinayang. Kapag bumagsak, bumangon ulit. Kasi hindi lang nakukuha sa isang pagkakataon, kailangan natin ng tunay sa loob, sinseridad, at pagtitiyaga,” pagbabahagi ng guro.

Photo Source: Gawad Agila Facebook

Sa ngayon, natapos na siya sa kanyang Masteral studies at kumukuha na ng doctorate degree sa Teaching and Management.

Source: Virtual Pinoy