Propesor, kinarga ang anak ng kanyang estudyante upang makapagsulat ito ng notes at makapagfocus sa lesson

Ang pagsabayin ang pag-aaral at ang pagiging magulang ay isang bagay na mahirap talagang gawin. Paniguradong mahahati ang iyong atensiyon kung saan mo nga naman dadalhin ang iyong pokus.
Siyempre, gugustuhin mo nga naman na makatapos ng pag-aaral pero hindi mo rin naman gugustuhin na pabayaan ang iyong pag-aaral.

Source: DailyMail

Kaya, isang estudyante ng Morehouse College sa Atlanta ang nagdala ng kanyang baby sa eskwelahan dahil wala siyang makuhang mag-aalaga dito. Pero mas nakakabigla ang ginawa ng kanyang propesor, para matuto ang kanyang estudyante.

Source: DailyMail

Makikita sa picture na pinost sa social media ni Nick Vaughn ang propesor na bitbit ang isang baby. Nakilala itong si Professor Nathan Alexander na isang Math Professor. Bitbit niya ang baby para mas makapagpokus ang estudyante at makapagsulat din ito ng notes.

Source: DailyMail

‘Not only did he teach the entire lecture with the child in his arms but also stayed after class helping those with questions about today’s lecture with the child still in his arms as seen in the pictures,’ dagdag pa ni Nick sa kanyang Facebook post.

Source: DailyMail

Isa nga naman talagang napakagandang makita kung gaano ka suportado ang propesor na ito para lamang matapos siya sa pag-aaral.

Source: DailyMail

‘It was this encounter that truly showed me the power and impact HBCU’s can have for the black community, for this professor to understand that life happens and sometimes there are just no ways around it,” saad pa ni Nick.

Source: DailyMail

Kilala si Alexander bilang professor sa kolehiyo mula 2017 sa Mathematics Education, Statistical and Mathematical Modeling at Social Networks and Graphs.

Source: DailyMail

Samantala, iba’t-ibang reaksiyon naman ang mga netizens dito. Pinuri talaga nila si Professor Alexander sa kanyang konsiderasyon at dedikasyon bilang isang guro. Na hindi lamang siya isang propesor na nagtuturo kundi isang guro na nakaantabay sa kanyang mga estudyanteng tinuturuan.

Source: Dailymail