Lalakeng nagsumikap para matulungan makapagtapos ng pag-aaral ang nobya, Viral ngayon sa Social Media

Naging viral ang isang post ni Ador Adrian Gabrieles sa Facebook dahil ibinahagi niya ang kanyang istorya ng pagmamahal at pagsusumikap niya para mapagtapos ang girlfriend na si Aira Arcamo.

Bago pa lamang magsimula si Aira sa kolehiyo, napaiyak si Aira dahil hindi na siya makakapag aral. Tinanong ni Ador kung gusto niya pa ba mag aral, tumango ang nobya at sa simula sa araw na yun pinangako ni Ador na hindi mamomoblema si Aira sa kanyang pang matrikula ngunit hindi ganoon kasimple ang mga bagay bagay.

Source: Ador Adrian Gabrieles

Mag didise-otso pa lamang si ador ng mga panahon na yon at hindi pa siya nakakapagtrabaho kahit isang beses. Nagsimula siya bilang isang bagger sa Savemore. Sa kayang pag-aapply humarap siya sa interview niyang basang basa dahil naabutan siya ng ulan ngunit sa himala at nakapasa siya. Nais niya sanang mag apply sa Call center ngunit hindi siya magaling sa wikang ingles kaya ito na lang ang na isip niyang pasok sa kanya. Araw araw pa siyang nakakatanggap ng panlalait at pagmamata sa mga customers ngunit kinaya niya ito para sa kanyang mahal na nobya.

Source: Ador Adrian Gabrieles

Malapit na matapos ang kayang kontrata sa pinagtatrabahuhan, hindi siya tumigil at nagpursigi na makapag-aral ng wikang ingles.

Nagpaturo din siya kay Aira na kumukuha ng Bachelor of Arts in English Language. Minsan ay nahihiya siya dahil paminsan minsan ay nakakalimutan ang mga dating naituro ni Aira kaya naman nagsumikap siyang mag self study. Minsan pa ay nagmumuka siyang baliw dahil kinakausap niya ang sarili sa salitang ingles.

Source: Ador Adrian Gabrieles

Sa tulong ni Aira sa pagtuturo ng ingles, nagkaroon ng lakas ng loob si Ador para mag apply sa Call Center. Iba’t ibang kumpanya ang pinag applyan at ilang beses din siya bumagsak pero hindi siya tumigil hanggang sa natanggap siya sa kanyang kauna-unahang BPO Company.

Hindi makapaniwala at sa sobrang tuwa ay nayakap niya ang nag interview sa kanya at dahil dito hindi lang siya magkakaroon ng magandang sahod, mailalabas niya pa si Aira sa magandang restaurant.

Maraming nagtatanong kay Ador bakit kailangan siya pa ang sumusuporta sa kanyang girlfriend kahit na may kakayahan ang magulang nito na pag aralin siya. Ito ang sinagot ni Ador “May kakayanan ang magulang ni Aira na paaralin sya. Engineer ang papa nya at Teacher ang mama nya. Gusto kong makita nila kung gaano ko kamahal ang girlfriend ko. Na kahit ganito lang ako, ay kaya kong maging isang mabuting partner sa anak nila.

Nais kong magkaroon ng magandang imahe ng isang mapagmahal na nobyo, may pangarap na asawa, at huwarang ama sa mga magiging anak namin sa mga mata nila. Hindi ko ito ginagawa para mahalin nya ako o para hindi na nya ako iwan. Hindi ko ito ginagawa para meron na akong investment. Ginagawa ko ito dahil mahal ko sya, espesyal sya, at deserve nya ang ganitong treatment. Kapag nawala ako, hindi sya titingnan o mamaliitin ng iba dahil nakapagtapos sya. Kapag mawala ako, mayron syang mahahanap na magandang trabaho”

Source: Ador Adrian Gabrieles

Nais niyang maipakita hindi lang sa magulang nito pati na rin sa ibang tao kung gaano niya kamahal si Aira. Isang huwarang imahe na maiiwan sa isipan ng ibang tao pati maipapasa niya sa magiging anak nila.

Ngayon March 3 2019, ganap na nakapagtapos si Aira. Matapos ang apat na taong walang hintong pagtatrabaho at hirap ni Ador ay napagtapos niya ang nobya. Daig niya pa ang nanalo sa lotto. Tinapos niya ang kanyang post na parang siya din ang grumaduate kasabay ng kanyang nobya.

Ador Adrian Gabrieles
Hindi nakapagtapos ng Kolehiyo
Pero nakapagpa-aral ng GF
Major in Diskarte lang at Inspirasyon
Batch 2019

Source: kami/Ador Adrian Gabrieles Facebook