Lalakeng pasahero, nakaligtas sa pagbagsak ng Ethiopian Plane dahil nalate ito sa kanyang flight

“Filipino time” iyan ang deskripsyon sa oras ng mga Pinoy na laging hindi dumarating sa takdang oras. Sa madaling salita, laging late. Talaga nga namang hindi kanais-nais na malate sa kahit anong gawain.

Sa eskwelahan, paniguradong mapagsasarhan ka ng pinto kung ikaw ay laging late sa klase. Mahihirapan kapang umintindi sa aralin dahil mayroon ka nga namang mga nalampasan na bahagi ng aralin.

Source: Antonis Mavropoulos Facebook

Sa simbahan, nakakahiya din naman at tila kawalan ng respeto kung ikaw ay mahuhuli sa araw ng pagsamba. Kaya kahit saan mo dalhin, mukhang walang magandang maidudulot ang pagiging late.

Source: Antonis Mavropoulos Facebook

Paano pa kaya kung mahuhuli ka sa flight mo? Iisipin mo bang maiiwan ka sa flight dahil nahuli ka lamang ng dalawang minuto?

Maaaring sa isip ni Antonis Mavropoulos na ang pagkahuli niya sa kanyang flight ay kanyang ikasisira ng araw.

Nabanggit pa nga niya sa kanyang facebook post na galit na galit siya dahil wala man lang tumulong sa kanya para makaabot sa oras.

“I was mad because nobody helped me to reach the gate on time,” sambit ng post ni Mavropoulos.

Si Mavropoulos ay presidente ng International Solid Waste Association, isang non-profit organization. Sumakay siya sa  Nairobi-bound Boeing 737 upang makilahok sa taunang assembly ng UN Environment program kaya napakahalaga sa kanya nito.

Source: Antonis Mavropoulos Facebook

Pero imbis na magreklamo ay tila malaki na lamang ang pasasalamat nito dahil nag cr@sh ang eroplano na kaniyang dapat sinasakyan.

“They led me to the police station of the airport. The officer told me not to protest but to pray to God because I was the only passenger that didn’t board the ET 302 flight that was lost,” pahayag ni Mavropoulos

Source: Antonis Mavropoulos Facebook

“They said they couldn’t let me go before cross-checking my identity, the reason I hadn’t boarded the plane etc.” dagdag pa niya.

Kung titignan, isa nga namang blessing in disguise kung tawagin ang nangyari sa kanya. Sino ba ang hindi mabibigla sa nangyari sa kanya.