BF ni Contestant, Imbis ang pangalan ni GF ang babatiin ay ibang pangalan ng babae ang kanyang nasabi

Kasiyahan at kwela ang ibinibigay ng mga Pinoy variety shows sa atin. Patok na patok talaga sa mga Pilipino ang kasiyahan na naibibigay ng mga palabas na ito dahil na rin sa dami ng mga premyo na ibinibigay nito sa mga sumasali. Isama mo pa riyan ang katatawanan na idinudulot ng mga palabas na ito na talagang nakakawala ng stress sa atin.

Credit: Wowowin Youtube

Mapapatawa ka na lang talaga sa mga banat na jokes o mga iba’t ibang laro o segment na handog ng mga variety show na ito. Kaya naman, mapa bata man o matanda ay talagang tumatangkilik sa mga ganitong palabas sa telebisyon.

Credit: Wowowin Youtube

Siyempre, si Willie Revillame ang isa sa mga pinakakilala sa mga TV personalities na naghohost sa mga nasabing programa.
At lahat ng kanyang mga programa ay talaga namang inaabangan ng mga Pinoy televiewers.

Credit: Wowowin Youtube

Usap-usapan ngayon sa mga netizens ang nakakatawang eksena sa Wowowin. Tampok sa isang segment ang mga twins o kambal. Sumali ang dalawang kambal na sina Santa at Cris.

Credit: Wowowin Youtube

Sa interview portion ng programa, masayang masaya ang dalawa na nagkukwento kay Kuya Wil kung bakit sila sumali sa nasabing kompetisyon. Kinwento din nila ang ilan sa mga chilhood memories nila na magkasama.

Mangiyakngiyak naman silang dalawa nang tanungin na sila tungkol sa kanilang magulang. Ipinaabot din nila ang kanilang mag mensahe sa magulang at nasa probinsya ang kanilang mga magulang dahil wala silang pamasahe.

Credit: Wowowin Youtube

Kaya, ang kanilang mga nobyo ang kanilang ipinakilala na kasama nila para suportahan sila. Agaw pansin naman ang eksenang magbibigay na ng mensahe ang nobyo ni Cris.

Paano ba naman kasi? Imbis na si Cris ang tatawaging pangalan ay Michelle ang nasabi nito. Palaisipan tuloy sa mga netizens maging kay Willie kung sino si Michelle.

Credit: Wowowin Youtube

Ayon naman sa nobyo ni Kris, kapitbahay nya daw itong si Michelle. Sa kabila nito, ipinaabot pa rin ni Cris ang kanyang mensahe na mahal na mahal niya ang kanyang nobyo.