Nanay, tinulungan ang anak sa trabaho dahil mag-isa lang ito nakaduty nang bisitahin nila ito sa pinagtatrabahuhang Fast food Chain

Sa ibang bansa, isang kasanayan ang “CLAYGO”. Ito ay acronym na Clean as you go. Ibigsabihin ang kumain mismo ng pagkain ang magliligpit ng kanyang kinain sa loob ng isang food establishment upang maayos, maging responsable ang mga tao sa kalat at mabawasan trabaho ng ibang crew sa kasamaang palad ay hindi ito nabibigyan ng pansin.

Credit: Rubie Lyn Mendoza Facebook

Naging viral ang post ni Rubie Lyn Mendoza noong March 5 2019. Nakuha ang atensyon ng mga netizens dahil tinulungan ng ina ang kanyang anak na napagod at nahihirapan sa kalagitaan ng trabaho

Credit: Rubie Lyn Mendoza Facebook

Ayon sa kanyang post, silang pamilya ay binalak na kumain sa fast food restaurant na pinagtatrabahahuhan ng kapatid ngunit sa kanilang pagpunta hindi nila aakalain na sobrang dami ng tao ng panahon na yun at sa kasamaang palad naabutan nila ang kapatid na hirap na hirap sa pag aayos at pagtabi ng mga pinagkainan ng customer sa kadahilanang kinulang ang establishment ng tao at ang kapatid lamang nila ang naka duty sa lobby para mag buss out ng mga pinagkainan.

Credit: Rubie Lyn Mendoza Facebook

Nang makita ng ina ng magkakapatid na hirap na hirap ang isa sa kanyang anak sa trabaho. Hindi ito nag dalawang isip at dali daling tumulong sa anak na nagliligpit ng mga pinagkainan ng mga customers kahit na hindi naman ito nagtatrabaho sa Mcdonalds.

Credit: Rubie Lyn Mendoza Facebook

“I have a working student sister then we decided to eat sa store nila sa Mcdonalds navotas pra din bisitahin sya hahaha then pagdating namin sabe nya isa lng daw syang nakaduty na crew sa lobby eh daming customer haha pag kaorder ko ng food nmin gulat ako si Mama nag bubuss out na din 😂👏👌#ProudDaughterHere 😍😘

Wala nga namang ina na gustong makita na nahihirapan ang kanyang mga anak kaya naman talagang hindi matutumbasan ang pagmamahal ng isang nanay sa kanyang anak.
Hindi man siya mabigyan ng sweldo sa pagtulong sa restaurant, handa naman siyang tumulong sa anak kahit walang kapalit.

Ang mga netizens na naantig sa istoryang ito at nagbigay ng komento:

“Iba tlga ang nanay . Sana masuklian nyo yung pag mamahal nya sainyo . . God bless you mother 🙌”

“Alam ko ang hirap maging isang Service Crew kasi napagdaanan ko…Kaya mula noon hangang ngayon kapag kumakain kami sa mga Fast Food Chain at mga Restaurant,nililigpit ko ng naaayon sa ayos,para pupulotin nalang ng crew..❤”

“Ara Narciso Mother’s unconditional love. ❤”

Credit: Rubie Lyn Mendoza Facebook