Pagligo ng malamig na tubig araw-araw, may mga naitatagong benepisyo ayon sa ilang pag-aaral

Ang pagligo ng malamig na tubig ay nagiging hamon sa atin sa pang araw araw. Maraming sa atin ay mas nanaisin na maligo ng maligamgam na tubig ngunit ang pag ligo pala ng malamig na tubig ay nakakatulong at nakakapag pabuti ng katawan. Ito ang sampung dahilan kung bakit maganda ang pagligo ng malamig na tubig.

Source: Unsplash

1. Nakakapagbawas ng timbang

Sa simpling pagligo ng malamig ng tubig ay nakakabawas ng timbang. Ang malamig na tubig ay nagpapa aktibo ng brown fat na nakakatulong sa lumikha ng init sa katawan. Ang pagdadagdag ng aktibidad ng “good fat” ay nakakasunog ng calories na nagpapainit sa katawan.

Source: Unsplash

2. Nagpapalakas ng immunity

Ayon sa pag-aaral sa England, pinapakita na ang pagligo ng malamig na tubig ay nakapagpapabilis pagdami ng white bood cells na lumalaban sa iba’t ibang sakit at desease.

Source: Unsplash

3. Nakakapagpabuti ng blood circulation

Pinapaganda nito ang pagdaloy ng dugo sa katawan dahil sa pagpaligo ng malamig na tubig pinapadaloy nito ang mga dugo para umabot ito sa mga iba pang organs sa katawan para manatili itong mainit.

Source: Unsplash

4. Pagkakaroon ng emotional resilience

Ayon sa pag-aaral, ang pagligo ng malamig na tubig ay nakakatulong sa paglinangin ang nervous system na kayang kontrahin ang stress.

Source: Unsplash

5. Pinabababa ang stress

Sa pagligo ng malamig na tubig nababawasan nito ang pagtaas ng uric acid at pinapalakas ang glutathione sa dugo na nakakatulog sa pag bawas ng stress.

Source: Unsplash

6.Pinapababa ang tyansa na magkaroon ng depresion

Nakitaan na ang pagligo sa malamig na tubig ay nakakapagbigay ginhawa sa sintomas sa pamamagitan ng paglabas ng noradrenaline ng utak na nakakapagpagaan ng sa lungkot at depression.

Source: Unsplash

7. Paglabas ng lymphatic system

Ang pagligo ng malamig na tubig ay nakakatulong para maging aktibo ang lymphatic system na naglalabas ng mga dumi sa katawan dahil dito nababawasan ang tyansa na magkaroon ng impeksyon.

8. Pinapabilis ang paggaling ng muscle

Ayon sa pag-aaral noong 2009, ang pagligo sa yelo pagkatapos ng matinding training ay nakakapagpaganda ng circulation at pagtanggal ng lactic acid na nakakapagpabilis ng paggaling ng katawan.

Source: Unsplash

9. Pinapaganda ang balat at buhok

Madaming benepisyo sa katawan ang pagligo ng malamig na tubig at isa pa dito ang pag ganda at kinis ng muka. Ang malamig na tubig ay nakakatulong na maiwasan ang paubos ng natural oil sa balat at buhok ayon sa isang dermatologist.

Source: Unsplash

10. Mas magandang tulog pag gabi

Ang pagpaligo ng malamig na tubig ay nakakapagpaganda ng tulog ng isang tao ayon sa libro na “The Four Hour Body” dahil ang malamig na tubig nagbibigay epekto katulad ng isang tranquilizer na makakapagpatulog sa inyo.

Source: Unsplash
Source: msn