Nanay na nagsilang ng Octuplets, ipinagdiwang ang ika-10th birthday ng mga ito

Ang pagkakaroon ng pamilya ang isa sa mga pinakamabigat na bagay na mahirap pasukin. Talaga namang dadaan ka sa butas ng karayom lalo na sa mga pagbabagong kakaharapin mo bilang isang magulang.

Credit: inside edition youtube

Isa na ang pinansyal na pangangailangan ang nangangailangan ng lubusan na paghahanda dito. Kailangang paghandaan ang para sa pagkain na pangaraw-araw, gatas, diaper ng bata o baon kung may nag-aaral na.

Kung iisipin, ang pagkakaroon ng isa o dalawang anak ay mahirap na. Paano pa kaya kung mayroon kang labing apat na anak?

Credit: inside edition youtube

Si Natalie “Nadya” Suleman ay mayroong kasalukuyang labing apat na anak matapos siyang manganak noong 2009 ng octuplets sa US gamit ang IVF treatment.

Isang linggo matapos niyang manganak, ang Octuplets na ito ang humahawak ng record na may “longest survival rate” ng mga batang octuplets.

Credit: inside edition youtube

Pero, marami ang mga taong kumontra sa pagkakaroon niya ng labing apat na anak dahil ito daw ay pagpapakita ng pagiging iresponsable.

Credit: inside edition youtube

Ngayon? Kamusta na kaya ang mga ito? Iisipin mo bang lahat sila ay nagdiriwang na ng ika sampung kaarawan. Nakakatuwang isipin na nabuhay silang lahat.

Credit: inside edition youtube

Ibinahagi naman ng ina ang mga kahirapan na kanilang dinanas sa kabila ng lahat ng kanilang pinagdaanan.

Marami siyang mga hinarap na problema pero napatunayan niya na kaya nilang buhayin ang kanyang mga anak lalo na ngayon na nagdiriwang sila ng kanilang ika sampung kaarawan.

Credit: inside edition youtube

“Space is so tight that some kids sleep on the couch. However, each of the kids helps one another and their single mom around the house by quizzing each other on homework, practicing their instruments and doing chores like cooking, laundry, and dishes, ” saad ng ina.

Buti na lamang at mayroong pagkakaisa ang bawat miyembro ng pamilya at nagtutulungan sila upang mapagaan ang lahat ng trabaho.