Babaeng 500pounds ang timbang, na-inspire magpapayat dahil sa pag-ibig

Napakasarap nga naman kumain ng maraming pagkain pero kadalasan ang sobra sobra ay nakakasama. Kilalanin natin si Lexi Reed at ang kanyang asawa na dating nag titimbang ng 500 pounds.

Ayon pa kay Lexi kapag daw siya ay kumakain sa buffet, siya daw ay nakaka pitong plato punong puno ng pagkain. Parehas sila ng kalusugan ng kayang asawa na mahilig din kumain.

Source: Kami Facebook

Isang araw, silang dalawa mag asawa ay hinamon ng matalik na kaibigan na baguhin ang life style at magpapayat.

Hinamon sila na hindi kumain ng fast food at ch3atmeal sa halip ay sila mismo ang magluluto ng masustansyang pagkain nila sa bahay. Dinagdagan pa nito na hindi sila iinom ng alak at mag exercise ng apat o limang beses sa isang linggo.

Source: Kami Facebook

Matapos ang isang buwan makikita ang malaking pagbabago sa mag-asawa. Inamin nilang dalawa na mahirap ito ngunit nung nakumpleto nila ang isang buwan ay naging bahagi na ito ng kanilang lifestyle.

Nakikita na nila ang bunga ng kanilang pinaghirapan. Ang kanilang dating mga damit ay hindi na kasya dahil pumapayat na sila.

Source: Kami Facebook

Ngayon si Lexi ay nabawasan na ng 285 pounds at patuloy pa itong nadadagdagan kasabay ang asawa. Ngayon wala ng makakilala sa laki ng pagbabago ni Lexi.

Source: Kami Facebook

Hindi na nila makita ang dating obese sa laki ng pinayat nito.

Marami ang hindi makapaniwala na siya ay dating nag titimbang ng 500 pounds.

Source: Kami Facebook

Naging ispirasyon si Lexi sa maraming tao na gusto magbago para sa kanilang ikabubuti na kailangan mong pagsikapan at paghirapan ang ninanais mong maganda at panibagong bersyon ng iyong sarili.

Huwag din kakalimutan ang mga taong umalalay at hindi sumuko na makamit ang pagbabagong ito dahil kung hindi dahil sa tulong nila, hindi magiging posible ang bagay nito.