Japeth Aguilar, nagpropose sa kanyang girlfriend matapos ang matagumpay na mga laro ng Gilas Pilipinas sa ibang bansa

Muli na namang nagpakita ng Gilas ang ating basketball national team na Gilas Pilipinas. At matapos ang ating paghihintay, muli na naman nating nasungkit ang tagumpay dahil ngayon ay nakapasok na tayo sa Fiba World Cup.

Siyempre, hindi ito makakamit kung hindi dahil sa mga magigiting at mahuhusay na manlalaro, coaches at lahat ng mga bumubuo sa Gilas Pilipinas team.


Talaga namang randam mo ang suporta ng bawat Pilipino sa kanila. Makikita mo ang iba’t ibang mga posts ng mga netizens sa mga social media sites na naglalaman ng papuri at paghanga sa galing at husay ng Gilas.

Kaya naman nooong umuwi na ang Gilas Pilipinas dito sa bansa, ibang gilas naman ang ipinakita ng magaling na basketball player na si Japeth Aguilar.

Hindi nalang sa basketball court kumakaripas si Japeth kundi maging sa kanyang buhay pag-ibig matapos siyang mag propose kay Cassandra Naida sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Siyempre, isang matamis na “Oo” ang nakuha ni Japeth. Ipinost pa ni Cassandra ang kanyang engagement ring sa kanyang IG account na rinepost naman ni Japeth na. naglalaman ng sweet na mensahe.

Hindi naman nagpahuli ang mga netizens sa kanilang mga reaksiyon at komento:

“Nagpropose na siya kasi kung hihintayin niya pa magchampion ginebra bago magpropose naku baka nevermind na nga lang….. Hahahhaha”

 

View this post on Instagram

 

Im a winner ๐Ÿ˜

A post shared by Japeth Aguilar (@japethaguilar35) on


“kung ako si jowa ni japeth..sabihin ko.. sa kasal natin sana nakapagpagupit kana kung hindi aatras akoย ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚congrats po.! ung buhok ni japeth sana mabalik na sa dati..di nia tlga bagay para siang ahy never mind na nga lang.! total ikakasal na sia๐Ÿ˜Šcongrats ulit”

“Mag mahal ka ng basketball player…dhil secured ka sa kanya…bola nga ayaw ipaagaw ikaw pa kaya na mhal nya.
Yung tipong sobrang guard nya sau pra dika maagaw ng iba….hehe..Congrats po”

“Wow ๐Ÿ˜ย sweet ng IDOL ko aaayyiiieee๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜ย #CaPethLang#IdolkosiJapethAguilar
Thanks sa Update Paps Robbie Nelson Dela Cruz hahaha”