Jinkee Pacquiao, iniyakan ang anak na si Jimuel dahil sa kagustuhan nitong pumasok sa mundo ng boxing

Anuman ang ating mga magiging desisyon sa mga landas na ating tatahakin sa buhay, isa sa mga maaapektuhan ay ang ating mga magulang. Maaaring sila’y magiging masaya, malungkot o iiyak depende sa tatahakin mong landas sa buhay.

Gaya na lamang ng ina at may bahay ni Senator Manny Pacman Pacquiao na si Jinkee. Tila umiyak talaga siya nang malaman niyang itutuloy ng kanyang anak ang karera sa boxing.

Credit: Team Jimuel Instagram

Ayon kay Senator Manny sa isa sa kanyang mga interview, iniyakan talaga ito ni Jinkee at kung sila lang ang masusunod ay ayaw talaga nila itong payagan.

Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

“Ayaw namin, dini-discourage namin talaga. Sa bahay wala kang makikitang boxing gloves o boxing equipment. Basketball meron, may court kami.Sabi ko nag-boxing lang ang daddy mo dahil sa kahirapan. Naging boksingero ako dahil sa kahirapan para masuportahan ko pamilya natin” saad ni Pacman.

Pero hindi nakapagpapigil kay Jimuel at ito pa ang kanyang naging sagot sa ama.

Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

“Daddy, like you, boxing is my passion also. I want to be the representative of this country as an athlete.”

Iba’t ibang reaksiyon naman ang nakuha nito sa mga netizens na talagang pinag usapan.

“Sana mag model ka nalang or mag artista, Jimuel,kasi bawat suntok na dumapo sayo katumbas din sa patak na luha sa nanay mo.kahit di ka na mag boxing mananatiling tanyag na ung pamilya mo.”

Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

“Kung sa yaman lng nman ang pg uusapan madami na kay0ng pera. Pero kung may gusto kang patunayan na kaya m0 ring gumawa ng sarili m0ng tittle g0 lng ng g0..per0 dapat ingat lng palagi. Kung ang pgbo-boxing ay hindi nkalaan pra say0 pwede ka nman tumigil at ipagpatuloy ang pg aaral,,malay ntin d2 ka mgttagumpay.”

“Kahit cnong magulang ayaw na makikitang nasasaktan ang anak.pero kong yan tlga ang dream nya na sumunod sa tapak ng ama .suporta na lng sa anak kong ano ang pangarap nya.at pray kay god .sa bawat laban ng anak mo.”

Credit: Team Jimuel Instagram

“Awww!! Hirap sa isang nanay na mkikita mo ang anak mo mkipagbasagan ng mukha sa ring. Pray mo nlng momshie jinkee na mgbago pa isip nya.”