Jinkee Pacquiao, plano na ibenta ang karamihan sa kanyang koleksyon ng sapatos para ipantulong sa mga nangangailangan

Si Jinkee Pacquiao ay ang asawa ni Manny “Pacman” Pacquaio at ina sa kanilang limang anak na sina Emmanuel Jr., Michael Stephen, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth and Israel. Makikita natin si Jinkee na palaging may exclusibong bag o sapatos na kanyang suot sa bawat laban ng kanyang asawa.

 

View this post on Instagram

 

Saturday MOOD. 💚 Itong shoes na suot ko kasama sa garage sale! 🤪 #size6 #christianlouboutin

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao) on


Ang ilan sa mga sapatos katulad ng Saint Laurent, Christian Louboutin, at Jimmy Choo. Matutuwa ang mga kababaihan lalo na ang mga kasize ni JInkee dahil lahat ng kanyang binebenta ay nasa size 6 lamang. Minsan pa ay ginagawa itong kasabihan ng marami na sa bawat panalong laban ni Pacman ay mayroon siyang panibagong bag na nabibili.

 

View this post on Instagram

 

Garage sale soon! Proceeds will be going to the “Jinkee and Manny Heart Foundation” ✨❤️ #shoes #bags #clothes #allsize6😌

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao) on


Sa kanyang opisyal na instagram account pinakita niya ang kanyang ang mga bag at sapatos na kabilang sa pinaplano niyang Garage Sale. Ang garage sale ay ang pagbenta ng ari-arian na kadalasang ginagawa sa loob ng garahe. Hindi pa nagbigay ng araw kung kailan sisimulan ni Jinkee ang kanyang pag benta ng kanyang kolesyon ngunit abangan na lang natin ito sa mga susunod na mga araw.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao) on


Kung iisipin bakit kailangan pa ni Jinkee ang ibang koleksyon niya kung sila naman ay napaka yaman? Ang lahat ng makukuhang pondo o pera sa garage sale na ito ay mapupunta diretso sa kanilang charity na “Jinkee and Manny Heart Foundation”. Ang non-government foundation na ito ay naglalayong magbigay alaga at tulong sa mga batang may sakit sa puso.

 

View this post on Instagram

 

Quality Time ❤️ (si michael may ka-date 🙈 kaya wala sya)

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao) on


Talaga nga namang makikita natin na inaabangan ng Netizens ang iba pang detalye sa Garage sale na ito. Tignan natin ang mga comments:
“liit pala shoe size ni madam @jinkeepacquiao 🤔lucky next 2nd owner of her shoes, Big heart you have madam❤️❤️❤️God bless🙏”
“@jinkeepacquiao wow how I wish I could go home mamakyaw jud ko. But my bestfriend lives second block from your house in dasma I can ask her to get me some clothes and shoes.”
“Oh no! Not the shoes I’m size 8 huhuhu.. bags and clothes! 😍”