Asawa ni Ai-Ai delas Alas, nakakapag-palipad na ng eroplano. Sumakay naman ba kaya si Ai-Ai dito?

“Sa hirap at ginhawa,” iyan nga naman dapat ang nasa isipan ng mag-asawa. Nasa lahat ng oras, maging sa pagsubok hanggang sa pag abot ng kanilang mga pangarap ay kasama nila ang isa’t isa.

Gaya na lamang ng loving couple na sina Ai-ai Delas Alas at Gerald Sibayan. Naabot na nga ni Gerald ang kanyang pangarap na maging piloto. At tatahakin na niya ang kanyang first solo flight.

 

View this post on Instagram

 

With his FI ivan esguerra @kapitanayban and bestfriend anton cayanan @antoncynn

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas) on


Ngunit dito ay tumanggi muna si Ai-ai na samahan ang kanyang asawa sa flight patungong Subic, Zambales.

Ayon kay Ai-ai, sinabi nya sa isang interview ng Pep.ph, mahal niya ang kanyang mister pero huwag daw muna ngayon. Marami pa naman daw pagkakataon at saka na daw siya sasakay kapag pilot na si Gerald ng commercial plane.


“Congratulations my darling sa first solo flight mo .. happy ako kasi happy kanna natupad mo ang dream mo maging piloto ..basta always here naka support sa lahat ng mga pangarap mo .. i love you husband .. GOD BLESS YOU MORE .. fly high my love .. you can fly with us @asianinstituteofaviation_aia ( nakiki fly with us te? Piloto ka din??hehehe .. la lang gusto ko lang ) — and thank you @pep.ph for the video,” mensahe ni Ai-ai sa asawa.


Samantala, lubos naman ang pasasalamat ni Gerald sa lahat ng naging bahagi ng kanyang tagumpay.

“Thank you so much sa aking asawa @msaiaidelasalas ,kaibigan @antoncynn , magulang at sa mga FI na nag tiyaga mag turo sakin Capt Lloyd Gonzales and Capt Ivan Esguerra. At siyempre kay lord na hindi pinabayaan tumodo ang hangin.”

Umani rin ito ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizens:

“Nag bunga rin. Wais din tong bata to. Abangan natin ang susunod nakabanata. Heheheh i am expecting more stories after. Very smart guy…”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gerald P. Sibayan (@gerald_sibayan) on


“Hayaan baka totoo mahal nya my karapatan cyang mag mahal wala naapakan na tao go go lng ayaw nya ng till death do they part hehe….atleast ligtas parin c ai ai just in case dba……”

“Lets just be happy for them and hope for the best sa kanila dalawa. Life is full of risks and heartaches.Nagbunga rn pinagpaguran ni aiai sa asawa nya buti na lng determinado at ibinabalik ng guy effort ni aiai sa kanya.”

Source: Kami