Naalala nyo pa ba si Cindy Kurleto? Ang dating VJ, artista at Model, nasa ibang bansa na ngayon kasama ang kanyang pamilya

Ang industriya ng showbiz ay hindi permanente. Sadyang mapaglaro ito, kung hindi showbiz ang aalis sa buhay mo, ikaw ang mismong aalis sa showbiz.

Credit: Cindy Kurleto instagram

Taun-taon iba-ibang mukha at labas masok na lang sa industriya. Napakarami na ngang mga dumaan na mga aktor at aktres na ang iba’y sikat na sikat pa rin talaga, ang iba’y kasisikat pa lang. Iba naman ay nakikilala pa rin naman pero ang masaklap ang iba’y naka
limutan na ng publiko.

Credit: Cindy Kurleto instagram

Pero, ilan sa mga mukha sa showbiz ay sila mismo ang pumili na magpahinga muna at tahakin ang panibagong landas ng kanilang buhay.

Credit: Cindy Kurleto instagram

Gaya na lamang ni Cindy Kurleto na nakilala noon sa kanyang mga pagganap sa Masayang Tanghali Bayan, Daddy Di Do Du, Forever in My Heart, Encantadia, Etheria, at Eat Bulaga. Nakita din siya sa mga movies na Ngayong Nandito Ka at Ispiritista: Itay, May Moomoo.

Credit: Cindy Kurleto instagram

Nasaan na nga ba si Cindy ngayon?

Credit: Cindy Kurleto instagram

Noong 2007, ay ang taon na napagdesisyunan na ni Cindy na magpahinga muna sa showbiz. At siya ay nanirahan sa Peru kasama ng kanyang partner na si Daniel.

Credit: Cindy Kurleto instagram

Ngayon, mayroon na rin silang dalawang anak na sina Noa na ipinanganak noong 2010 at si Lima na ipinanganak noong 2016.

Credit: Cindy Kurleto instagram

At dahil sa kalusugan ng kanyang ama na nangangailangan ng mag-aalaga sa kaniya, lumipad sila noon sa Vienna, Austria upang alagaan ang kanyang ama na nawala na rin kamakailan lang.

Sa ngayon, masaya si Cindy kasama ang pamilya. Makikita sa kanya ang kagalakan ng pagiging maaruga at maalagang ina at ilaw ng tahanan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cindy Kurleto (@cindy_kurleto) on


Gayunpaman, hindi pa rin naman niya tinalikuran ang pag-arte at sumasali pa rin siya sa mga acting workshops.