Manny Pacquiao, tutol sa pagboboxing ng anak na si Jimuel, sinabing ‘nagboxing lang daddy mo dahil sa kahirapan’

Lahat ng mga magulang ay may kani-kaniyang kwento ng sakripisyo para lamang maitaguyod ang pamilya, at mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak.

Credit: Manny Pacquiao Instagram

Gaya na lamang ng People’s Champ at ngayon ay Senador na si Manny Pacquiao. Dumaan talaga siya sa butas ng karayom patungo sa tagumpay sa karera ng boxing.

Credit: Manny Pacquiao Instagram

At ngayon, tila isa sa kanyang mga anak ang gusto din at nakikita na nga ito kay Jimuel Pacquiao. Mayroon nang mga naging boxing match si Jimuel at makikita ang kanyang galing. Mapapatunayan mong ‘it runs in the blood’ nga naman.

Credit: ABS-CBN News Channel Twitter

Pero, tutol sina Pacman at Jinkee dito. Ayon sa kanila, ayaw na nilang maranasan pa ng anak ang hirap na naranasan ng tatay. Masakit para sa kanila na makita ang ganitong pagpasok ni Jimuel sa industriya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Team Jimuel Pacquiao (@teamjimuel) on


“Actually, ayaw namin… We discourage him, dini-discourage namin talaga and then sa bahay wala kang makitang boxing gloves o any boxing equipment sa bahay. Basketball meron,” pahayag ni Pacman.

Credit: Team Jimuel Pacquiao Instagram

Pero, sabi nga ni Pacman mahirap din siyang pigilan dahil nakikita niya sa kanyang anak na may passion ito sa paglalaro.

Credit: ABS-CBN News Channel Twitter

Salu-salungat naman ang reaksiyon ng mga netizens tungkol sa isyu:

“Sabagay dilakado talaga ang boxing kaya nag aalala si jinkee kahit nman cguro sinong ina lalo na pogi pa anak nila baka masira lng ang mukha..”

Credit: Team Jimuel Pacquiao Instagram

“hayaan mona manny maski milyonaryo ka ipinagkait mo sa iyong anak kasi hilig niya yon e ang gusto mo hindi ipinaranas sa iyong anak gusto niya boxing wala kang magawa iginohit na sa kanyang palad”

Credit: ABS-CBN News Channel Twitter

“Magaling si Jimuel malakas sumuntok mala.pacqiauo di xa ,,, pag nahasa lang xa nako cgurado ,,,, nasa dugo na yan pagiging boxengero 🤘🤘🤘😍😍😍😍

“sa anak nya iyan batang iyan ang gusto ko gwapo tps babasagin lng mukha,wag na sana sya pumasok sa boxing pero kung talagang gusto at paninindigan nya eh ok lng na din..idol lng nya kanyang ama..”

“suportahan niyo lang gaya ng iba TRADISYON NA…kung ano ang tatay ung din magiging yapak nang kanilang anak….pag naging police ka ikaw nga to serve and protect”