Jennica Garcia at Alwyn Uytingco, masayang nagcelebrate ng Anniversary sa Divisoria

Hindi pera o pagiging magarbo ang sukatan ng tunay na pag-iibigan. Saan mo man ipagdiwang ang inyong anniversary o valentines day. Gaano man ito kagastos o kasimple, wala naman dito ang sukatan kundi sa pundasyon ng pag-iibigan at pinagsamahan.

Gaya na lamang ng mga celebrity couple na sina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco. Nagdiwang sila ng kanilang 9th anniversary hindi sa magarbong restaurant kundi sa Divisoria.

Credit: jennicauytingco instagram

Hindi lang iyan. Iisipin mo bang nagpunta sila sa Divisoria hindi gamit ang sasakyan kundi ang tricycle. Hindi nga naman talaga ito pangkaraniwan sa kanila. Narito ang kwento ni Jennica sa kanilang Divisoria Adventure:

“Today marks our 9th Anniversary. We celebrated it at Divisoria! Hahahaha! May mga kulang kasi para sa munti naming plant shop na @duwendeinapot. Sa unang litraro nakapag sweety sweety pa sa Tricycle dahil wala pang mga bitbit na pinamili pero ito ngayong pauwi na kami sa mga anak namin hindi na kami magkasya sa Tricycle hahaha!

Credit: jennicauytingco instagram

“Marami-rami rin ang tao sa LRT pero ayos lang ang importante ay makakauwi kami bago mag 6PM dahil papatulugin at papaliguan pa ang mga bata. An Anniversary spent ANYWHERE is fine with me as long as I spend it with you. Last year was the hardest on our marriage. It was our toughest so far but our never changing God did not fail us and remained faithful.

Credit: jennicauytingco instagram

“We surpassed the hardships, tears and the wounds of 2018 and come 2019, we loved each other more than we ever did. My heart’s desire is for you to know and feel that you are valued and loved in our home. Mahal kita Alwyn. Mas mahal pa kita ngayon kaysa noon. Happy Anniversary sa atin,” kwento ni Jennica.

Credit: jennicauytingco instagram

Makikita dito kung gaano nga naman kasaya ang celebrity couple na ito at hindi ang pera o kahit anumang magarbong selebrasyon ang nagpapasaya sa kanila kundi ang isa’t isa, ang kanilang nag aalab na pagmamahal sa bawat isa at sa pamilya.