Magkasintahan, ipinaglayo ng magulang ng babae dahil sa mahirap lang ang lalake ngunit nagbago ang kapalaran pagkaraan ng maraming taon

Ang mga magulang natin ay palaging gugustuhin ang nakabubuti para sa atin. Mula sa pagkabata mamimili sila mula sa dinami-dami na mga gatas, lampin, mga pagkain, damit, at kung ano-ano pa para lang matiyak na ang natatanggap natin ay ang pinakamainam para sa ating paglaki. Hindi tumitigil ang ugaling ito ng ating mga magulang kahit sa pagtanda natin. Mula sa gusto nating maging kurso sa kolehiyo hanggang sa taong pakakasalan natin at pakikisamahan habang buhay. Gagawin nila ang lahat para sa atin, kahit na ibig sabihin nito ay ang masaktan ang ating damdamin sapagkat gusto ng ating mga magulang na hindi tayo makaranas ng hirap sa ating pagtanda.

Credit: Goodtimes

Ito ay ang kwento ni Michael, isang construction worker na tumigil ng pag-aaral matapos ang kaniyang high-school upang sundan ang mga yapak ng kaniyang ama. Hindi naman niya ito pinlano pero inisip na lamang niya na kung hindi siya mapag-aaral ng kaniyang ama, hindi na lang siya magiging pabigat at magtatrabaho na din upang balang araw ay makapag-ipon siya ng pera na pangtustos sa kaniyang sariling pag-aaral.

Credit: Goodtimes

Ang kaniyang ex-girlfriend na si Irene ay nagalit sa kaniyang desisyon na tigilan ang kaniyang pag-aaral sapagkat ayaw niya na mag-asawa ng isang tao na hindi edukado. Dahil dito, nakipaghiwalay si Irene kay Michael at hindi na muling bumalik pa. Nagunaw ang mundo ni Michael sa pag-alis ni Irene, siya ang unang taong minahal niya dati. Hindi naman hinayaan ni Michael na sirain nito ang kaniyang buhay ngunit natagalan din siya bago makabalik mula sa lungkot na kaniyang naramdaman. Ginamit na lamang niya ito na inspirasyon upang magpatuloy sa pagtrabaho ng maigi upang malimutan niya ang kaniyang nararamdamang sakit.

Credit: Goodtimes

Ilang buwan matapos ang paghihiwalay nila ni Irene, nakilala naman ni Michael si Judy. Minahal nila ang isa’t-isa ng tunay at isang araw ay nagpakilala din si Michael sa mga magulang ni Judy. Ngunit, katulad ng nauna niyang minahal, hindi pumayag ang mga magulang ng kaniyang mahal matapos malaman ang kaniyang trabaho. Sinabihan pa si Michael na wala siyang mararating sa buhay kung patuloy lamang siyang maging construction worker. Di rin nagtagal ay naghiwalay din sila ni Judy at tila nagbalik si Michael sa panahon na naghiwalay sila ni Irene.

Credit: Goodtimes

Nabiyak nanaman ang kaniyang puso at nawalan nanaman siya ng pag-asa dahil sa kanilang paghihiwalay. Ngunit katulad ng dati ay nagpursigi si Michael sa kaniyang pagtatrabaho. Isang araw ay inimbitahan siya ng kaniyang mga katrabaho na sumama sa Australia kung saan siya ay sasahod ng di hamak na mas malaking halaga kaysa sa Taiwan.

Credit: Goodtimes

At ganoon nga ang ginawa ni Michael. Nanirahan siya sa Australia at nakahanap siya ng trabaho dito bilang isang construction worker. Noong una ay nahirapan siya makisama sa mga iba niyang katrabaho ngunit kalaunan ay nasanay na din siya sa wikang Ingles at sa mga katrabaho niya. Matapos ang limang taon, bumalik siya sa Taiwan at nagtrabaho bilang isang contractor gamit ang kaniyang karanasan sa ibang bansa. Naging matagumpay naman siya bilang isang contractor at mula dito naging tanyag siyang contractor ng mga malalaking pangalan sa real estate.

Credit: Goodtimes

Nalaman naman niya na ang kaniyang unang minahal na si Irene ay nakipaghiwalay na sa kaniyang asawa matapos ito mangaliwa isang beses na umalis ang asawa niyang lalaki papuntang China para sa trabaho. Kinuha ng lalaki ang kanilang limang-taong gulang na anak at iniwan ang kaniyang asawa. Samantala, si Judy naman ay malapit na maging 40 taong gulang ngunit dalaga pa din dahil sa kaniyang mga magulang.

Credit: Goodtimes

Nanghinayang naman si Michael sa kaniyang mga dating minahal na babae. Sa kasamaang palad, hindi maibabalik ni Michael ang panahon na nakalipas na. May pag-asa pa din naman si Michael na isang araw ay makakilala siya ng babae at tatanggapin siya para sa kaniyang linya ng trabaho.

Source: Goodtimes