Video ng Batang lalaki na sumagot sa Q&A, sobrang viral ngayon at may 3M views na sa Social Media

Ang ating mga ina ang ating takbuhan sa panahon ng pangangailangan. Lalo na nung bata tayo na lahat ng ating mga kilos ay nakadepende sa ating mga magulang. Hindi nga naman makukumpleto ang ating mga aksiyon at desisyon kung wala ang ating mga magulang. Hindi nga naman natin makakaya kung wala sila.

Credit: Princess Thalia Olegario Bautista Facebook

Kaya naman, maging sa oras ng question and answer ng isang bata sa isang pageant ay di nya pa rin maiwasang humingi ng tulong sa kanyang ina. Tila balisa na ang bata at hindi na alam ang gagawin kaya naman ang kanyang ina ang magiging susi para sumagot sa tanong.

Usap-usapan ngayon sa social media ang viral video ni Princess Thalia Olegario Bautista, ang ina ng nasa video na batang lalaki na sumali sa Mr and Ms Intramurals ng kanilang eskwelahan.

Credit: Princess Thalia Olegario Bautista Facebook

Nang nasa Question and Answer portion na, hindi na maiwasang mablangko ang bata kung kaya’t humingi na lamang siya ng tulong sa kanyang ina.

Tinanong ang bata kung bakit mahalaga ang pag eehersisyo at ang kanyang ina ang sumagot at sinabing “para lumakas ang katawan”.

Hindi nga yata talaga marinig ng bata kaya sinabi niya sa mic na “mi lakasan mo”. Nagulat ang lahat sa ginawa ng bata at humalakhak ang lahat ng marinig ito.

Kaya naman maging ang mga netizens ay tawang tawa din sa nangyari. Samu’t saring mga reaksiyon at komento ang nakuha nito. Narito ang kanilang mga komento:

“Si mommy na coach ksi di nilakasan ang sinabi eh 😛😄😄

Credit: Princess Thalia Olegario Bautista Facebook

“Hahaha ang aga kung napatawa. Bat di kase lakasan. Naku mommy! 😂

“Hahhahahaha love it…uu nga po mmn mommy lakasan niyo po lasi”

Credit: Princess Thalia Olegario Bautista Facebook

“Sakit tyan ko katatawa 🙂 🙂 Oo nga mommy lakasan mo haha”

“E sa di nga naman niya marinig e… hahaha kakatawa!”