Toni Gonzaga, nalaman ang totoong dahilan kung bakit di pinapansin noon ng kanyang tatay Si Paul Soriano

Kung mayroon nga namang pinaka protective sa kanilang mga anak lalo na ng mga anak na babae, walang iba kundi ang kanilang mga daddy, papa, tatay, o ama. Lahat nga naman ng bagay ay gagawin at ibibigay ng isang ama para sa kanyang ama.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano Youtube

Mula pagkabata, sa kaniyang pang araw-araw na pangangailangan, ay binibigay lahat ng ama. Ni ayaw ni tatay na madapuan ng lamok ang anak, talaga nga namang protektado talaga tayo sa ating mga magulang lalo na sa ating mga ama.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano Instagram

Kaya naman, kapag may dumarating na manliligaw ang isang anak na babae ay di maiwasan ng mga daddy na maging protective at maging strikto dito.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano Instagram

Iyan ang naging tanong ng Kapamilya hist na si Toni Gonzaga sa kanyang ama na si Bonoy Gonzaga.

Sa kanyang vlog, ay makikitang napakasarap ng usapan nilang mag-ama. At ito na nga ang naging big question ni Toni sa kanyang tatay.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano Youtube

“Bakit hindi mo kinakausap si Paul noon? Hindi ka mabait sa kaniya noong mag-boyfriend pa lang kami?”

Takang-taka nga naman talaga si Toni noon kung bakit di pa rin siya pinapansin ng ama kahit na sinagit na niya si Paul Soriano na asawa na niya ngayon. At ito ang naging sagot ni Daddy.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano Instagram

“Kailangan makita niya na merong nagpo-protekta sa inyo. Kaya lahat ng ama, hindi lang ako ang ganoon, ano? Lahat ng ama, pag ang anak nila babae, at may nanliligaw, sinusuri ng lahat ng magulang yan. Dapat diyan binu-bluff kaagad. Wag mong lolokohin ang anak ko, magkakaproblema tayo.”

Hindi ba’t nakakataba ng puso ang naging sagot ni daddy. Talagang masasabi mo ang unconditional love na meron siya sa kanyang anak. Hindi mo talaga matatawaran ito at masasabi mong inalagaan, pinrotektahan at higit sa lahat ay hinanda ni Daddy Bonoy ang kanyang anak para sa hinaharap.

At ngayon, makikita naman natin na masayang-masayang na si Toni kasama si Direk Paul at Baby Sevy.