Isang butihing babae, inabonohan ang sapatos ng isang estranghero matapos makita ang kalagayan nito

Para sa mga Pilipino, likas ang paglalakad kaya naman napakamabenta ang mga kasuotan ng mga paa natin tulad ng tsinelas at mga sapatos. Madaming klase din para sa iba’t-ibang mga okasyon. Mayroong sapatos na pangtakbo, pangterno sa iyong suot at porma, para sa paglalaro ng basketball, o kahit sa simpleng paglalakad sa araw-araw nating mga gawain sa buhay.

Dahil dito, isa sa mga pinag-iipunan ng mga kababayan nating mga Pilipino ay ang mga sapatos na gagamitin natin sa pang-araw-araw, kahit na anong brand pa ito o anong modelo o para sa kung anong okasyon, isa ang sapatos sa mga kinahuhumalingan natin.

Photo Credit: Goodtimes

Tulad ng karamihan sa atin, ang isang lalaki na nagngangalang Rexel ay di umano’y nag-iipon ng pera na ipapambili niya para sa bagong pares ng sapatos sa isang bilihan ng sapatos sa Muntinlupa City.

Ang pangyayari sa araw na ito ay ibinahagi ng store manager na nagngangalang Caloy Pineda sa kaniyang social media account sa website na Facebook. Sa araw na iyon, nakita ng manager ang isang customer na may suot ng lumang damit, gusot-gusot na pantalon, at lumang pares ng tsinelas.

Photo Credit: Goodtimes

Si Rexel ay tinatayang 40 taong gulang na, at para sa kaniyang edad, siya ay makikitang sabik na makapasok at tumingin para sa isang bagong pares ng sapatos. Ang kaniyang tingin naman ay napukaw ng isang pares ng sapatos sa discount section na naghahalagang PHP1,200. “You can see that he looks hardworking, like he works difficult jobs,” ika ni Pineda.

Photo Credit: Goodtimes

Sinimulan niyang bilangin ang lahat ng perang kaniyang inipon ngunit nalungkot siya nang malaman na kulang pala ang dala niyang pera. Dito niya nakilala ang isa pang customer na nagngangalang Quiat.

Nakita ni Quiat ang lalaki na nagbibilang ng kaniyang pera at mukhang malungkot kaya’t napagdesisyunan niya na lapitan at kausapin ito. Doon niya nalaman na matagal nang nag-iipon para sa bagong pares ng sapatos si Rexel sapagkat napaglumaan na ang kaniyang mga tsinelas at kinailangan na niya itong palitan.

Photo Credit: Goodtimes

Naaawang sinabi ni Quiat na aambag na siya sa kung anong sapatos man ang gustong bilhin ni Rexel, at sa katotohanan ay siya pa ang magbabayad ng buo kung nadala niya ang kaniyang wallet noong araw na iyon. Matapos na kumbinsihin si Rexel na tanggapin ang kaniyang abono, nakita ni Rexel ang isang sapatos na naghahalagang PHP1,799 at iyon ang kaniyang pinili. Masaya namang inabonohan ni Quiat ang kaniyang sapatos na napili at si Rexel naman ay mapagpasalamat sa kabutihang loob na taglay ng kapwa customer, ng kapwa Pilipino.

Credit: Goodtimes