Julia Montes, ibinahagi ang kanyang buhay ngayon kasama ang pamilya sa Germany

Masarap nga naman ang buhay kahit pa ito ay simple lamang basta kasama mo ang iyong mga mahal sa buhay lalo na ang iyong mga pamilya. Kahit ano pang garbo ng iyong araw araw na pamumuhay, kung wala naman sila ay balewala din ang lahat ng ito.

Credit: Julia Montes instagram

Ang makasama sila sa hapagkainan, maibigay ang lahat ng oras para sa pamilya, mag shopping, mamasyal kahit ano pa basta kasama ang pamilya, iyan nga naman talaga ang gusto nating lahat. Sapat na oras, maging masaya, simpleng pamumuhay basta ang kasama ay ang iyong pamilya na nagiging sandigan mo sa iyong buhay.

Credit: Julia Montes instagram

Kaya naman, bakas sa mga ngiti ng Kapamilya actress na si Julia Montes ang saya niya ngayong namamalagi siya sa Germany. Ilang buwan na rin siyang nakatira doon at masaya naman siya sa kanyang pagbabakasyon.

Credit: Julia Montes instagram

Ayon kag Julia, nandoon siya sa Germany upang makasama ang kanyang biological father na si Martin Schnittka, na isang German.

Credit: Julia Montes instagram

Sa kabila ng kanyang kasikatan, na nasa rurok siya ng lahat ng oportunidad dito sa Pilipinas dahil sa showbiz, pinili pa rin niya ang magpunta sa Germany para sa pamilya.

Credit: Julia Montes instagram

Dagdag pa ni Julia, napaka simple at tahimik ng kanyang buhay doon na talaga namang gustong gusto niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08) on


Makikita sa kanyang mga social media posts ang kanyang pag aalaga at bonding niya sa kanyang aso na isang French Bulldog. Hindi nga naman matawaran ang kanyang saya dito.

Credit: Julia Montes instagram

Maging ang kanyang mga kapitbahay doon ay malapit din kay Julia kaya mas nagiging enjoyable para kay Julia ang pamamalagi sa Germany.

Credit: Julia Montes instagram

Samantala, usap-usapan noon na nasa Germany si Julia dahil siya daw ay di umano buntis at nagtatago. Ngunit, tinuldukan na ni Julia ang usapan at pinabulaanan ang isyung ito, at mariing sinabi na hindi siya buntis.

Matatandaang ang huling teleserye ni Julia sa ABS-CBN ay ang “Asintado” kasama sina Paulo Avelino at Shaina Magdayao.