Cristine Reyes, bonggang nagdiwang ng kanyang 30th Birthday sa Thailand kasama ang mga kapatid

Taun-taon, isa rin sa mga hinihintay natin ay ang pagdiriwang ng ating mga kaarawan. Kanya-kanya tayo kung paano natin ito ipinagdiriwang. Maaaring simple lang, simpleng handa kasama ang pamilya, barkada at kaibigan. Ang iba nama’y talaga namang magarbo na halos buong barangay at kanilang buong angkan ay nandoon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by twitter @cristinereyesss (@cristinereyes) on


Ang iba nama’y gustong maging mas makabuluhan, pumupunta sila sa mga charity, bahay ampunan, o mga street children. Pinapakain nila ang mga ito binibigyan ng damit o kung anu-ano. Ang iba nama’y nais mapag isa, “me time” kumbaga. Pero, may sariling bersyon ng birthday celebration ang aktres na si Cristine Reyes.

Credit: cristinereyes instagram

“if by thirty you mean ‘more awesome’ then YAS I AM 30,” iyan ang bungad ni Cristine sa kanyang IG para sa kanyang kaarawan.

Credit: cristinereyes instagram

Nagcelebrate si Cristine ng kanyang 30th birthday sa Thailand noong Feb 5, 2019 kasama ang kanyang mga kapatid na sina Ara Mina at Heidi. Makikita dito na enjoy na enjoy talaga silang tatlo doon.

Credit: cristinereyes instagram

Binati din naman ni Ara Mina ang kanyang kapatid sa social media. Narito ang kanyang mensahe:

Credit: cristinereyes instagram

“Happy Birthday to you my sister Aa. I wish you all the love and happiness life can bring. Always remember that we love you,” saad ni Ara Mina

Credit: cristinereyes instagram

Naging viral ang kanilang mga larawan sa social media na talaga namang pinagusapan ng mga netizens.

Marami sa mga netizens ang bumati kay Cristine at hiling ang malusog na pangangatawan at masayang pamilya.

Credit: cristinereyes instagram

Napansin din naman ng mga netizens ang kanyang mga abs na talagang maintained na maintained kahit pa meron na siyang anak.

Hindi alintana kay Cristine ang pagiging ina. Dahil maintained pa rin niya ang kanyang fit body, at figure na talaga namang umaakit sa mga kalalakihan.

Gayunpaman, siyempre prayoridad ni Cristine ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang anak.