Gelli de Belen at Ariel Rivera, masayang masaya pa rin sa kanilang 21-taong pagsasama bilang mag-asawa

Matapos ang kasal, ang susunod na hamon sa buhay mag-asawa ay kung paano patatagin ang pundasyon ng relasyon ng isa’t-isa. Dito makikita kung paano nga ba haharapin ng mag-asawa ang lahat ng mga pagsubok na kanilang susuungin sa buhay. Nakasalalay sa dalawang tao ang tibay at tagal ng kanilang relasyon. Kaya naman, marami talaga ang nagtatanong kung ano nga ba ang sikreto ng isang matagal at matibay na relasyon lalo na sa buhay mag-asawa?

Credit: Gelli de Belen-Rivera Instagram

Kung ang iba’y umaabot sa isang dekadang pagsasama ay masaya na sila, mas masaya naman ang higit sa dalawang dekada kundi dalawampu’t isang taonng kasal at dalawanmpu’t anim na pagsasama bilang mag-karelasyon nila Ariel Rivera at Gelli De Belen.

Credit: Gelli de Belen-Rivera Instagram

Marami man ang kanilang mga napagdaanan na pagsubok at mga suliranin talaga namang linalabanan nila ito ng magkasama at mas lalo pang tumatagal at lumalalim ang pundasyon ng kanilang pagsasama.

Credit: Gelli de Belen-Rivera Instagram

Ayon kay Gelli sa kanyang interview sa PUSH, ang pagiging mapagbigay nila sa isa’t isa ang naging pundasyon ng samahang ito.

Credit: Gelli de Belen-Rivera Instagram

“I think generosity is the key. Not just generous of yourself or of any kind. May mga bagay na ayaw mo sanang gawin pero alam mong ikasisaya ng asawa mo, di gawin mo na lang kung hindi mo naman ikamamatay at wala namang masasaktan, why not give it? Pag nagbibigay ka, natututo kang mag-adjust. You become selfless. Hindi naman selfless na lose yourself. Importante rin naman na you don’t lose your identity, pero palaging alam mo kung sino ka o ano ka, iyon ang importante,” paliwanag ni Gelli

Credit: Gelli de Belen-Rivera Instagram

Saad naman ni Ariel,

“It’s give and take. It’s communication. The appreciation for your wife. It sounds corny pero it’s really ano…huwag mong isipin ang sarili mo, ang isipin mo kung ano ang makabubuti sa kanya, just being unselfish. I think that is the most important.”

Sa ngayon, mayroong pelikula sina Ariel at Gelli na kanilang pinagbibidahan na “Sikreto ng Piso”.

Source: KAMI