Kapitan ng barko, hinangaan dahil di pinanghinayangan ang isang Malaking babaeng Lobster na kanilang nahuli

Sa hapag-kainan, hindi nga naman ito makukumpleto kung wala ang mga napakasarap na mga sea foods o mga lamang dagat. Nandiyan ang alimango, tahong, talaba at iba’t ibang klase ng isda. Pero, iba nga naman ang sarap at hindi ka talaga makakatanggi sa lobster.

Photo Source: Unsplash

Isa ito sa mga lamang dagat na talaga namang napaka mahal dahil napaka hirap din ng pagpaparami ng mga ito. Kaya, talagang sasakit ang iyong bulsa pero masasarapan naman ang iyong panlasa at ang iyong tiyan sa pagkain ng lobster. Kung ikaw ay makakahuli ng isang dambuhalang lobster, ano nga ba naman ang gagawin mo?

Photo Source: Goodtimes

Isang grupo ang nakahuli ng napakalaking lobster sa dagat na talaga namang ikinagulat at ikinasaya din ng grupo. Ngunit, mas nabigla sila ng sinabi ng kanilang kapitan na ibalik sa dagat ang nahuling lobster.

Photo Source: Goodtimes

Nagtaka ang lahat at ayon sa kapitan, isang female lobster ang kanilang nahuli. At kinakailangang ibalik ito sa dagat upang mas makapagparami pa ito ng mga lobster.

Photo Source: Goodtimes

Prinsipyo ng kapitan na.huwag manhuli ng babaeng lobster upang mas dumami pa ang species na ito at matikman ng susunod na henerasyon ang lobster na nakakain pa din ngayon.

Photo Source: Goodtimes

Hindi niya inisip ang makukuha niya dito bagkus ang kanyang nasa isip ay pakawalan ito ng walang pagaalinlangan upang mas makatulong sa pagpaparami pa ng lahi nito.

Ngunit, isa din namang tanong ay paano kaya nila nalalaman kung ano ang kasarian ng isang lobster.

Photo Source: Goodtimes

Una, mayroong mas malalaking buntot ang babaeng lobster dahil dito nila nilalagay ang kanilang mga itlog.

Photo Source: Goodtimes

Ikalawa, makikita ito sa kanilang swimmerets na nasa ilalim ng kanilang mga buntot. Mayroon ding mas malalaking swimmerets ang mga female lobster. Dagdag pa dito, mas marami ang feather at mas malambot ang swimmerets ng female lobster.

Photo Source: Goodtimes

Samantala, alam niyo ba na kaya ng isang female lobster na magdala ng 10,000 eggs na naka lagay sa ilalim ng kanilang mga buntot. Pero 1% lamang sa mga itlog na ito ang makaka survive hanggang dulo.

Credits: Goodtimes / Capt. John’s Bar Youtube