TNT Boys, pinahanga ang buong mundo sa kanilang makapanindig balahibong performance

Tunay nga namang talentado at magaling ang boses ng Pinoy. Pagdating sa kantahan, talaga nga namang napakahaba ng listahan ng mga Pinoy na napakagaling at sumasabay ito sa loob at labas man ng bansa. Hindi lamang dito sa ating bansa, kundi sa iba’t ibang nga lugar. Kaya pang world class ang tinig ng mga Pinoy.

Credit: TNTBoys Instagram

Hindi lamang iyan, marami din sa ating mga kabataang Pinoy ang bumubuo ng galing at talentong ito. Halos lahat ng ng mga nakikilala sa ibang bansa dahil sa kanilang husay sa pag-awit ay mga kabataan. Bata pa lamang, ay nakikitaan na sila ng galing at paniguradong malayo-layo ang kanilang mararating.

Credit: TNTBoys Instagram

Gaya na lamang ng mga TNT Boys na nagsimula sa pagsali sa Kapamilya Variety show na Showtime sa segment na Tawag ng Tanghalan Kids. Dahil sa kanilang galing, pinagsama sama sila at binuo bilang trio at tinawag na TNT Boys.

Credit: TNTBoys Instagram

Maging sa Your Face Sounds Familiar Kids na nagtrending din ang kanilang mga performances ng ilang beses dahil sa kanilang pag iimpersonate sa mga foreign at local artists. Usap-usapan talaga sila lalo na sa social media dahil sa kanilang angking husay sa pag-awit na pumukaw sa atensyon ng mga netizens, singers at viewers sa buong mundo.

At ngayon, mas pinatunayan nila ang pagiging world class matapos na naman silang pinalakpakan at pinahanga ang mga viewers at judges ng “World’s Best” na isang talent competition.

Inawit nila ang awitin ni Beyonce na ‘Listen’ na nakakuha sila ng 49 points mula sa mga American Judges at nabuo naman ang 99 dahil sa mga international judges.

Credit: TNTBoys Instagram

Sina Drew Barrymore, RuPaul, and Faith Hill ang bumubuo sa mga American judges na hangang-hanga sa mga TNT Boys. Samantala, kasama naman bilang global judge ang proud na proud din na si Pops Fernandez.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by TNTBoys (@thetntboys) on


“I am so proud right now to represent the Philippines. On behalf of Filipinos, guess what, I know for a fact that you can be The World’s Best 🌎Thank you so much Ms. Pops Fernandez! Lets make the Philippines proud and be The World’s Best! We love you! #TWBTNTBoys #WorldsBest 🇵🇭” saad ng IG post ni Pops.