Nurse at kanyang premature na sanggol na inalagaan noon, ngayon ay magkasama na sa trabaho sa isang ospital

Ang ating propesyon ay magiging bahagi na ng ating mga buhay. Anumang trabaho o propesyon ang mayroon tayo, nagiging bahagi na ng ating mga buhay ang mga taong pinagsisilbihan natin sa ating mga propesyon. Bahagi na ng ating mga buhay ang mga taong tinutulungan natin.

Tulad na lamang ng isang guro, ang kanyang mga estudyante ay nagiging parte na ng kanyang buhay. Ang isang doktor o nurse ay may bahagi na rin sa kanilang mga buhay, ang kanilang mga pasyente. Kaya naman, nakakatuwang isipin na paano kaya kung makikita mo ang iyong pasyente makalipas ang tatlong dekada, hindi mo lang siya nakita kundi kasama mo na pala sa propesyon.

Photo Source: Virtual Pinoy

Isang nurse na si Vilma Wong ang may naalagaan na isang premature baby dalawampu’t walong taon na ang nakakalipas. Inalagaan niya ito sa neonatal intensive care unit (NICU) at nabuhay ang baby na ito. Makalipas ang tatlong dekada, at dahil ito naman ang kanyang trabaho ay di naman na niya natandaan ito.

Pero, nakakabigla nga naman na makita si Nurse Vilma at ang kanyang premature baby makalipas ang tatlong dekada. Sila ay magkasama na ngayon sa iisang ospital at ang dating prrmature baby ay isa ng ganap na pediatric doctor na si Dr. Seminatore.

“Meeting Vilma was so surreal. I never thought I would meet a provider who cared for me when I was a baby,” banggit ni Dr. Seminatore, ang dating premature baby.

Photo Source: Virtual Pinoy

Samantala, masaya din ang mga netizens sa kanilang mga reaksiyon sa social media:

“What a shining, very heartwarming moment for a “Florence Nightingale” to meet the premature baby now a doctor she once cared for almost 30 years later !”

“God always make a way..With Him nothing is impossible😇😇😇

“Such a small world Its really a heartwarming story”

Credit: Virtual Pinoy