Lalakeng nagoyo umano ng kinakasama, gustong mabawi ang kanyang cellphone

Iba nga naman ang nagagawa ng pagmamahal. Magagawa mong tanggapin ang kanyang nakaraan kahit anu pa man ito. Maging ang mga naging bahagi ng kanyang nakaraan ay kasama na dito.

Iyan ang naging kwento ni Rezel, may dalawang anak sa kanyang dati kinakasama na si Wilfredo. Pero, may bago na siyang kasama na si Jerome sa loob ng anim na buwan.

Ayon kay Jerome, maayos naman ang lahat ng kanilang pinagsamahan. Naging masaya sila at tanggap niya ang mga anak ni Rezel hanggang sa bigla na lamang nawala si Rezel sumama muli si Wilfredo.

Dumulog si Jerome kay Sir Raffy sa kanyang programa upang ireklamo si Rezel na dinala niya ang cellphone na binili ni Jerome. Ayon kay Jerome, gusto lamang niya na maibalik ang cellphone sa kanya.

Naging maayos naman ang usapan nang tawagan ni Sir Raffy si Rezel at ibabalik ito.

Umani naman ng iba’t ibang reaksiyon ang episode na ito na unang bahagi sa mga netizens:

“Jerome my advice to you is before you love someone else sana matutunan mo muna mahalin ang sarili mo. Minsan akala naten because broken hearted tayo mahahanap natin ang love from someone else pero mali yun.The foundation of true love is self love. Minsan kapag sobrang bait mo people will take advantage of you so sana learn to love yourself first…”

“HAHAHAH GINAWANG PANSAMANTALANG TAHANAN… HANAP KA NALANG IBA KOYA BABY FACE KA NAMAN.. YUNG WALANG SABIT..”

“You deserve someone better than that woman, di sya pwedeng pagkatiwalaan, easy to get, easy to forget, look for the better one boy, wag kang kumuha ng buy one take 3, ikaw din ang mghihirap, akala ko mganda kc nkadalawang lalaki agad, un pala ganun lang.”

“Life is so unfair sometimes ung mababait sila pa nas@saktan”

Pero makikita sa Part 2 na nag-iba ang naging usapan, dumating na rin si Rezel at Wilfredo sa studio. Dito na nasiwalat ni Rezel na binubug b0g siya ni Wilfredo at pinilit lamang siyang sumama noon sa kanya kaya bigla na lang siya nawala.

Dahil dito, inaksyunan ito ni Sir Raffy na idulog ito sa barangay hall at napag pasiyahan din ni Rezel na sumama kay Jerome at hindi kay Wilfredo.