Kilalanin ang ilan sa mga pinakamagagaling na Singers sa bansa ngayon ayon sa isang Survey

Kapag nga naman kantahan ang labanan, talaga namang lalaban ang mga Pinoy diyan. Biritan man o kung anong klaseng kantahan, may pantapat ang boses ng Pinoy. Tatak worldclass kung sabihin ang galing at talento ng boses ng Pinoy. Kaya hanggang sa labas ng bansa, ay nakikilala ang Pilipinas dahil sa mga pang world class na singers.

Kulturang Pinoy na rin naman talaga ang pag-awit sa ating bansa. Kalakip na ng kasaysayan at kultura ang pagkanta, mula tradisyonal hanggang ngayon sa modernong panahon. Kaya naman, talagang makikita kung gaano katalentado ang boses ng Pinoy.

Mayroong lumabas na survey ang The Top Tens tungkol sa mga magagaling na Female Singers sa bansa. Lumabas ang anim na pangalan na pinagbotohan ng mga netizens sa online voting. Narito ang mga Top 6 na Female Singers.

1. Sarah Geronimo

Source: Instagram

Nangunguna nga naman sa listahan ang tala na talagang nasa matarik na bituin ng kaniyang pangarap na si Sarah Geronimo.

Sino nga naman ang makakalimot sa ating Popstar Princess? Hindi lang naman pang kanta si Sarah, masasabak mo pa sa mga pelikula na talaga namang napakagaling dik na aktres. Kilometrong layo man ang kaniyang tagumpay, nananatili pa ring humble si Sarah.

2. Regine Velasquez-Alcasid

Source: Instagram

Kung standard din naman lalo na sa biritan ang pag-uusapan, siyempre ang nag-iisang Asia’s Songbird. Paniguradong dadalhin tayo sa ni Ms. Regine sa kanyang palasyo na nababalot ng kanyang napakagandang tinig.

3. Jake Zyrus

Source: Instagram

Bago pa ito, nakilala na siya sa loob at labas ng bansa bilang si Charice. Siya din ay naging cast at miyembro ng Glee at nakapag guest na rin siya kay Oprah.

Kung boses ang usapan, flawless ang kanyang boses.

4. Julie Ann San Jose

Ang Kapuso singer na talaga namang nakaka good vibes ang boses na puno ng kanyang sweetness at charm.

5. Rachelle Ann Go

Source: Instagram

Nakilala din sa ibang bansa itong susunod sa listahan na si Rachelle Ann Go. Pinasok din niya ang mundo ng teatro na talagang nagpakita ng kanyang galing at talento.

6. Lea Salonga

Source: Instagram

Siyempre, ang ating Miss Saigon, Olivier at Theatre World Awards award-winning singer at ang kaisa-isang Asian na nakatanggap ng Tony Awards, walang iba kundi si Lea Salonga ay nasa listahan din.

Talaga namang wala kang masabi sa mga awards, galing at kanilang mga talento. Iba talaga ang galing ng Pinoy!

Credit: Thetoptens