Angel Locsin, ibinahagi ang totoong kwento kung paano sya nag-umpisa sa Showbiz

Gagawin mo nga naman talaga ang lahat para kumita ng pera. Anumang klase ng trabaho, basta marangal at legal ay talagang papasukin mo para matustusan ang lahat ng pangangailangan natin lalo na ng ating mga pamilya.

Siyempre, talaga naman dapat nangunguna sa iyong listahan ang iyong pamilya kung bakit mo ginagawa ang lahat ng pagsusumikap at pagsasakripisyo. Sila nga naman talaga ang rason ng pagtitiyaga at patuloy na paglaban sa buhay. Anumang dumaan na hirap o problema, talagang nakaantabay at laging nandiyan ang ating pamilya.

Credit: Angel Locsin Instagram

Kaya naman, isa na din sa mga industriya na pinasok ng mga Pinoy upang mas maging mabilis ang pag ginhawa sa buhay ay ang industriya ng showbiz. Talaga namang dadaan ka sa butas ng karayom sa pagpasok dito pero pagpasok mo naman ay hindi na mahulugan ng karayom sa dami ng mga oportunidad na darating sa iyong career.

Gaya na lamang ni Ms. Angel Locsin, napakaganda at nakakatuwa kung paano siya nakapasok at nag-umpisa sa showbiz. Magaling na aktres at napakaganda ni Angel at di mo aakalain ang humble beginnings niya.

Ayon kay Angel sa kanyang pagkkwento sa Magandang Buhay, nagumpisa ang lahat nang bigla siyang tumakbo palayo dahil sa takot at maling akala.

Credit: Angel Locsin Instagram

“Naggo-grocery ako sa mall kasama ko yung best friend ko. Tapos may nakita akong nakapila sa lotto.Tapos lumapit sa akin… Parang ‘Hala, ano ‘to? Bakit niya ako nilalapitan?’ So tumakbo ako palayo. Yung bitbit kong plastic nun napunit so nagkaroon siya ng opportunity na maka-catch up. Tapos binigyan niya ako ng calling card. Gusto lang pala niya ako kunin sa commercial. So dun nagsimula ‘Gusto mo ba mag commercial?’ Ako naman, any opportunity na makatulong sa pamilya ‘Okay, magkano ba?” kwento ni Angel.

Dagdag pa rito, tiniis din naman niya ang napaka hassle na biyahe mula Caloocan hanggang Makati. Sasakay siya ng bus, MRT para makarating doon. At ngayon, hindi na lamang Makati ang narating ni Angel kundi ang rurok ng kanyang tagumpay.