Jodi Sta. Maria, ikinuwento ang pag-uusap nila ni Thirdy na talaga namang ikinagulat nya

Ang pag-iipon o savings ay isa sa mga bagay na dapat nating matutunan. Napakahalaga nito dahil maaari itong makatulong sa atin lalo na kapag mayroong kailangan gastusin na hindi inaasahan. Isa pa, hindi sa lahat ng panahon ay marami tayong pera kung kaya’t habang mayroon ay magkontrol sa mga ginagastos mo at mag ipon para sa hinaharap.

Credit: Jodi Sta. Maria Instagram

Maaaring mahirap sa umpisa pero dapat pa ring matutunan hanggang sa makaugalian na ito. Kaya naman, mas maganda na habang bata pa lamang ay maturuan na sila upang maging bahagi na ito ng kanilang ginagawa habang lumalaki sila. Kung matuturuan sila sa kanilang murang edad, paniguradong hindi na ito pahirapan, paglaki.

Credit: Jodi Sta. Maria Instagram

At si Mommy Jodi Sta. Maria ay hindi na nga talaga mahihirapang ituro ito sa kanyang anak na si Thirdy. Matapos masorpresa si Jodi sa ginawa ng kanyang anak, hindi niya talaga ito akalain kaya talagang masayang-masaya siya sa ginawa ni Thirdy.

Credit: Jodi Sta. Maria Instagram

Narito ang post ni Jodi nang ikwento niya ang ginawa ni Thirdy:

” Thirdy gives me a receipt. Me : what’s this babe? Thirdy : Ma, ako na po nagbayad ng field trip ko Me : Huh? San ka kumuha ng pera? Thirdy : sa savings ko po Thank You Lord for Thirdy! He is one of the greatest blessings and gifts I received from You!”

Nabigla na lamang si Jodi na may savings na pala ang kanyang anak na si Thirdy. At talaga namang hindi para sa laruan o kung ano pa man niya ginasta ito, kundi sa kanyang field trip na pangkaraniwan ay hinihingi lamang nila ito sa kanilang mga magulang.

Credit: Jodi Sta. Maria Instagram

Kaya naman, todo ang papuri ng nga netizens hindi lamang kay Thirdy kundi kay Jodi dahil pinalaki niya talaga ng maayos si Thirdy. Dagdag pa ng mga netizens, saludo sila sa istilo ng pagpapalaki at pagtuturo ni Jodi kay Thirdy.