Ang umano’y gastos nina Ice Seguerra at Liza Diño upang magkaroon ng anak, nalaman na

Napakasarap nga naman sa pakiramdam ang magkaroon ng sariling anak. Matapos ang pagpapakasal, paniguradong ang pagkakaroon na ng anak ang susunod na bahagi na pinakahihintay ng lahat. Ang makita ang sarili mong laman at dugo na lumalaki at inaalagaan mo ay talaga namang nakakataba ng puso.

Credit: LIza Dino-Seguerra Instagram

Lahat ay pangarap magkaroon ng sariling anak. Kaya naman talagang ginagawa ang lahat kahit pa may humadlang magkaroon lamang ng sariling supling. Ang pagiging magulang nga naman ay talagang ginugusto ng lahat sa atin. At sa panahon ngayon hindi na nalilimitahan ang pagiging magulang at pagkakaroon ng anak sa anumang kasarian. Napakasarap isipin na bukas na tayo sa mga ganitong posibilidad at salamat sa tulong ng agham para dito.

Credit: LIza Dino-Seguerra Instagram

Si Ice Seguerra, kilala bilang singer at nagsimula bilang child star at naging secretary ng National Youth Commission ay isa sa mga nagpaplanong sumailalim sa In Vitro Fertilization o IVF para magkaroon ng anak kasama ng kanyang asawa na si Liza Dino.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Diño-Seguerra (@lizadino) on


Dahil alam namang nating mabusisi ang prosesong ito, talaga namang gagasta ka para dito. Hindi ito biro dahil malaking pera din ang mailalabas para posible ito.

Credit: LIza Dino-Seguerra Instagram

Ayon sa Philippine-based Kato Repro Biotech Center, aabot sa humigit kumulang na 200,000 pesos ang prosesong ito. Wala pa dito ang bayad sa mismong sperm donor sa U.S. na nagkakahalaga ng halos isang libong dolyar o 50,000 pesos.

Credit: LIza Dino-Seguerra Instagram

“I’m not getting any younger, pangarap namin ng asawa ko since we got married is to have another kid. Siyempre, alam naman natin na we cannot conceive nang normal. It takes money to do that. So if I stay in government, we won’t be able to do that,” saad ni Ice.

Dagdag pa niya, iniwan niya ang pulitika upang mas makapagfocus sa showbiz.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Diño-Seguerra (@lizadino) on


Samantala, hiningi naman ang suporta at panalangin ng mga netizens ni Liza para dito sa kanyang IG post.

“…Ok. I’m rambling i know. Pasensya na guys. Matagal -tagal na rin akong hindi ganito ka-candid. I mean, i used to be a lot more open and vocal about my feelings but a lot has changed since I became a public servant. But at this very moment, I’m shamelessly asking for your PRAYERS and POSITIVITY para maging succeñññssful yung harvest process nya. Salamat sa lahat ng sumuporta sa marriage namin ni Ice at sa naniwala na we can live our lives like normal families. This is a big step for us and I just hope that everyone gives their love and support.”

Source: KAMI