2 Balyena, natagpuang wala ng buhay sa isang dalampasigan dahil umano sa mga nakaing plastic at parte ng sasakyan

Mayaman nga naman talaga ang mundong ito sa yamang-tubig. Nandiyan na ang iba’t ibang mga anyong tubig na nakapaligid sa atin, gaya ng karagatan, dagat, ilog o sapa. Bawat anyong tubig ay may mga natatanging yaman na ibinibigay sa atin.

Photo Credit: The Sacred Facebook

Siyempre, nangunguna na diyan ang mga maliliit at mga dambuhalang isda gaya ng mga dolphins, balyena at maging mga pating. Nandiyan din ang mga ibang nakakain natin na nagmumula sa dagat gaya ng halaan, pusit, hipon o maging mga alimango. Dagdag mo pa dito ang mga naggagandahang mga kabibe, at mga coral reefs na nagsisilbing tahanan ng mga isda. Mayroon din namang mga perlas, at iba pang mga mapakinabangan sa katubigan. Pero, paano kung sa isang iglap lang ay mawawala ang lahat ng ito?

Photo Credit: Elite Readers

Gaya na lamang ng isang report na ito na pagkamatay ng labing tatlong sperm whales sa Germany. Nakitaan umano ang mga ito ng mga plastic debris, mga car parts at lambat nang mahuli itong wala ng buhay.

 

View this post on Instagram

 

Im Magen der Pottwale waren: 13m Fischernetz, Motorabdeckung Ford, Eimer und div anderer Müll.#meeresschutz

A post shared by Robert Habeck (@robert.habeck) on


“These findings show us the results of our plastic-oriented society. Animals inadvertently consume plastic and plastic waste, which causes them to suffer, and at worst, causes them to starve with full stomachs,” banggit ni Robert Habeck, environment minister for the state of Schleswig-Holstein.

Ayon naman kay Nicola Hodgkins of Whale and Dolphin Conservation (WDC),

“Although the large pieces will cause obvious problems and block the gut, we shouldn’t dismiss the smaller bits that could cause a more chronic problem for all species of cetacean – not just those who suction feed.”

Photo Credit: Elite Readers

Ayon naman sa autopsy na ginawa sa kanila, hindi ito ang pangunahing dahilan kung bakit sila nawalan ng buhay. Nangyari ito dahil sa heart failure kakahanap ng kanilang makakain.

“It is thought that the sperm whales may have got lost and entered the North Sea (possibly chasing squid), where the sea floor is not deep enough, causing the whales to become disorientated,” kwento naman ni Danny Groves spokesperson ng isang non-profit WDC.

Source: Elite Readers