Queenie Pacquiao, may special request sa kanyang Daddy Manny tungkol sa kanyang susunod na laban

Pinoy Pride, iyan nga naman ang taas noo nating maipagmamalaki na talagang iba ang galing ng Pinoy. Napatunayan ito lalo na ng sumabak muli ang ating People’s Champ na si Sen. Manny Pacman Pacquiao sa ring. Dito ay muli niyang nakopo ang laban kontra kay American boxer Adrien Broner via unanimous decision sa Laz Vegas, Nevada.

Source: Instagram

Pero, sa likod ng mga sigawan, hiyawan at buong bansang nagbubunyi sa tagumpay ni Pacman. Mayroon pa ring pamilyang naghihintay sa kanya, kinakabahan at talagang pinagadarasal at inaabangan ang laban na ito. Sila pa rin talaga ang number one fan ni Pacman, ang kaniyang pamilya lalo na ang kaniyang mga anak

Source: Instagram

Hindi naman maiwasan ng kaniyang mga anak na mag-alala para sa ama. Kahit pa lahat ay kabado para kay Pacman, mas iba nga naman ang pakiramdam kapag mismong tatay o ama mo na ang sumasalang sa loob ng ring. Kaya naman, sila din ang mga nangungunang sumusuporta sa ama at talagang pinagdarasal siya na makuha niya ang laban.

Source: Instagram

“It was still fun. It was intense still. Even though we didn’t get to go, which was sad, I understand because there was school. But we still had fun,” iyan naman ang pahayag ng anak ni Pacman at Jinkee na si Michael Pacquiao.

Source: Instagram

Nakapanood na din ng live game si Michael at ang kaniyang ibang kapatid. Pero, ayon sa kanya ang pinakakinabahan at talagang nag alala ay ang kanilang 10 year old na kapatid na si Queenie.

Source: Instagram

“I don’t want him to fight because you get hurt and it’s sad,” pahayag ni Queenie

Source: Instagram

Pero, siyempre suportado pa rin naman niya ang desisyon ng ama kung lalaban pa siya sa mga susunod o hindi.

Kaya naman, matapos ang game ay talagang excited silang lahat na magkakapatid na makita ang ama. At noong umuwi si Pacman sa Pinas, ay sinalubong sila ng kaniyang mga anak sa Makati. Talaga nga namang iba talaga si Pacman, hindi lang pang boxing ring, pang pamilya din!