Isang Nanay, nagpalaki ng 87 na ulilang bata at 20 sa kanila ang nakapagtapos na ng kolehiyo

“The more you give, the more you receive,” talaga nga naman kapag mapagbigay ka ay mas marami ang babalik sa iyo. Ika nga nila, sampung beses o higit pa ang paniguradong babalik sayo kapag ikaw ay nagbigay.

Source: Goodtimes


Ang pagtulong sa mga nangangailangan ay isang bagay na talagang dapat na maging bahagi ng ating pamumuhay. Isa ito sa mga gawain na mas magbibigay kahulugan sa ating buhay. Ang pagiging bahagi ng buhay ng iba ay siyang rason kung bakit din tayo nabubuhay, kung kaya’t dapat lagi lang tayong mabuhay nang may bukas na puso at palad sa pagtulong sa ating mga kapwa.

Source: Goodtimes


Si, Mai Qiongfang mula sa Guangxi, China ang may napakaginintuang puso sa pagtulong. Sa loob ng 40 taon, sinusuportahan at tinutulungan niya ang halos walumpu’t pitong mga ulila, bata at mga kapitbahay na nangangailangan.

Source: Goodtimes


Nagsimula ito noong 1979 na kung saan nakita niya ang isang lalaki sa People’s Hospital kung saan siya nagtatrabaho. Titigil na sana sa pag aaral sa sekondarya ang bata ngunit dahil sa tulong niya ay ipinagaral niya ang bata at nakatapos sa kolehiyo.

Source: Goodtimes


Mayroon din siyang tinulungang babae noong 1983 sa ospital. Naka confine noon ang babae sa ospital at tila walang dumadalaw sa kanya. Tinulungan niya ang babaeng ito at ipinatuloy pa sa kanyang bahay.

Source: Goodtimes


Tinulungan din niya ang isa sa kanyang mga kapitbahay na kapos sa pagkain at damit. Nang malaman niya ito ay siya mismo ang naghanap din ng tulong sa iba upang mas madagdagan ang maiabot sa kanya.

Source: Goodtimes


Nagbunga naman ang lahat ng pagtulong na ito. Ang 11 sa kanila ay nakapagtapos na sa Tsinghua University habang ang 9 naman ay graduate ng Beijing University at ang iba ay nagtatrabaho na rin ngayon.

Samantala, mayroon din naman siyang isang biological na anak na todo alaga din niya.

Masaya talaga ang buhay ni Mai lalo na’t lagi siyang bukas sa pagtulong at paniguradong labis labis ang pagbabalik nitong mga biyaya sa kanyang buhay.