Tricycle Driver na pinagpalit ng asawa sa isang Engineer, tinulungang makapagsimula muli ni Raffy Tulfo

Matapos ang pagpapakasal, ang pagbuo ng pamilya ang susunod na bahagi ng buhay na talaga namang dapat paghandaan. Ang pagkakaroon ng mga anak at ang pagbuo na ng sariling pamilya ang siya talagang mahalagang bigyan ng pansin upang magkaroon ng malalim na pundasyon ang pamilya. Ang pundasyon din namang ito ang magagamit upang sa panahon ng problema ay hindi magkawatak-watak ang pamilya.

Source: Youtube/Raffy Tulfo in Action

Pero, paano kung wala na talaga at talagang ayaw na ng mag-asawa na magsama kahit anong pilit mo pa? Tangi mo na lang iisipin, paano na kaya ang kanilang mga anak?

Source: Youtube/Raffy Tulfo in Action

Umabot na sa Part 5 ang episode ng Raffy Tulfo in action tungkol sa pamilya ng isang tricycle driver na si Kuya Charlie. Matatandaang iniwan siya at ang kanyang limang anak ng kanyang asawa at ipinagpalit sila sa isang engineer.

Source: Youtube/Raffy Tulfo in Action

Pero, matapos ang lahat ng mga sinuong nilang usapin at isyu, nag-abot na ng tulong si Sir Raffy sa pamilya. Nagbigay si Sir Raffy ng 100,000 pesos sa pamilya upang mayroon silang magiging pera na maaari nilang pang gastos ng kaniyang mga anak. Lalo na’t hindi sapat ang kaniyang kinikita bilang isang tricycle driver.

Source: Youtube/Raffy Tulfo in Action

Isa pa, tinulungan din sila na magbukas ng bank account para naman safe at nasa maayos na lugar ang kanilang mga pera.

Source: Youtube/Raffy Tulfo in Action

Siyempre, pinagshopping din sila at talaga namang nag enjoy ang pamilya. Binilhan sila ng mga damit, sapatos at groceries na malaki na talagang tulong para sa kanila.

Source: Youtube/Raffy Tulfo in Action

Ang mga ito, ay isa ng daan at susi upang makapagsimula silang muli bilang isang pamilya matapos ang kanilang napagdaanang dagok sa buhay.

Samantala, nagkakaroon din ng problema si Kuya Charlie tungkol sa custody ng mga bata. Sa ngayon, ang isa sa kaniyang mga anak ay kasama ng kaniyang asawa sa GenSan. Ayon kay Kuya, nag text ang kaniyang asawa sa kanya na hindi na niya ibabalik ang bata.

Gayunpaman, ipinangako ni Sir Raffy na tutulungan niya si Kuya Charlie na mapunta sa kanya ang custody ng kaniyang mga anak.