Flight Attendant ng Philippine Airlines, tinulungan ang isang buntis na manganak sa kalagitnaan ng byahe

Sa loob ng walo hanggang siyam na buwan na paghihintay sa magiging bagong miyembro ng pamilya, talaga namang lahat ay naka abang ung ano kailan at magin kung saan siya maipapanganak.

Marami ng mga pagkakataon na hindi sa ospital o bahay nadadatnan ang panganganak ni Mommy. Ang iba’y maaaring sa sasakyan, sa workplace, o maging sa mall. Pero iba ang kwento nito, paano kung dinatnan sa ere ang pagpapaanak kay baby?

Photo Credit: Paulo Infante Facebook

Isang pasahero sa Philippine Airlines ang nanganak sa mismong eroplano na PR 683. At malaking pasasalamat na tinulungan siya ng flight attendant na si Marigold Parreño. Tinulungan siya sa kanyang panganganak apat na oras bago mag land ang eroplano sa Manila na galing sa Saudi Arabia.

Talaga namang naging malaking bagay din na handa ang PAL sa mga ganitong pangyayari dahil may mga nakahanda ng mga medical equipments dito. Nakatulong pa ang pagiging dating nurse niya at maging ang mga nurse na nasa eroplano.

“Mabilis yung pangyayari kaya kung ano lang yung instinct mo to help the mom and the baby, ginawa ko na lang po. Nagtulungan po kaming lahat para talagang yung baby maging safe saka yung mom,” sambit ng flight attendant.

Photo Credit: Paulo Infante Facebook

Ayon naman sa spokesperson ng PAL na si Cielo Villaluna, proud na proud sila sa mga staff at crew na tumulong upang maging natagumpay ang panganganak na ito.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizens na talagang ikinagulat nilang lahat. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Thanks God the flight attendant is a Nurse. 👏🏻

“Uy! Flying baby! Congratulations sa mommy! Thank you Philippine Air Lines crew.”

” swerte oh may free travel and tuition ang baby lifetime 😅 sa eroplano na din tayo manganak pero sa korean air 🤣🤣🤣🤣

“Praise to the crew and passenger nurses onboard. Praise to the bayanihan spirit. What a good news!”

“ohwww ang cute!! ang babait nang mga crew nila. pero PAL is the best.. !!! congrats PAL!!”

Credit: GMA News Facebook