Manny Pacquiao, nangakong ipantutulong sa mga mahihirap ang malaking porsyento ng kanyang kinita sa laban nya kontra kay Adrien Broner

Kamakailan lang ay muli na namang bumandera ang Pilipinas sa larangan ng boxing. Muli na namang nakilala ang ating bansa sa mga magagaling at magigiting na mga atletang Pinoy. Patunay na iba ang dugong Pinoy, tunay na talentado at magaling lalo na sa larangan ng boxing.

Source: Instagram


Matapos patumbahin ni People’s Champ Sen. Manny “Pacman” Pacquiao si Adrien Broner sa isang unanimous decision, nagbunyi na namang muli ang buong Pilipinas dahil dito.

Source: Instagram


Kaya naman, hindi maiiwasang maitanong din kung magkano ang napanalunan ni Pacman. Nasa halos 10 million dollars o 500 million pesos ang naiuwi ni Pacman. Bukod pa diyan ang mga bayad sa mga pay per view na mayroon din siya dito.

Source: Instagram


Pero, ginintuan talaga ang puso nitong si Pacman. Ayon sa kanya, ibibigay niya ang 60% o halos 300 million pesos sa mga mahihirap o nangangailangan.

Source: Instagram

 

“Yung perang kinita ko, I’m sure, sinisigurado ko sa inyo, 60 percent niyan mapupunta sa mahihirap,” pahayag ni Pacman.


Kaya naman, talagang bilib na bilib ang mga netizens sa kanya at narito ang kanilang mga komento:

“I salute you sir that you are a really public servant and good samaritan in were you share you’r wealth to the people who are needy more bless on you sir.”

“I salute u Boss Manny…the money is coming from ur own blood and perspiration. God bless u more ??
“NO CORRUPTION”?

Source: Instagram


“Saludo q sau mr manny pacquiao napakabuti ng puso mo…. Andami mo nattulungan…”

“Wow subrang humble talaga Ang kamao..kaya pinagpala dahil mapagbigay sa mga mahihirap..I salute you hero..”

“God bless you more po Sen Manny. My idol. Mabait at matulongin sa taong nanganga ilangan.. Kaya pinagpapala siya ng Dios..
Mabuhay ka sir senator manny pacquiao..
Balato ko hehehe”

Source: Instagram


“Go Manny! sobra sobra pa Ang babalik syo Nyan Kya ka pinagpapala ng DIYOS Sana tularan ka ng ibang may kaya Ang yaman ay dito Lang Yan SA Mundo at ndi natin Yan madadala SA kabilang buhay”

Tunay nga namang People’s Champ talaga itong si Senator Manny!

Credit: News5