Boyfriend ni Mommy Dionisia Pacquiao, inamin ang totoong dahilan kung bakit di ito nakanood ng laban ni Manny

Ang ating mga ina ang ating mga number one supporter sa ating mga buhay. Sa kahit anumang mga laban natin sa buhay, paniguradong nasa likod natin sila upang suportahan tayo.

Source: Instagram

Sila ang nagsisilbing suporta natin sa lahat ng mga pagsubok sa ating mga buhay. Sa panahon man ng kaginhawaan o kahirapan, sila ang taong hindi aalis sa iyong tabi, kundi sasamahan ka sa kahit anumang mga
problema o pagsubok.

Source: Instagram

Tunay nga naman talagang sila ang ilaw ng ating mga tahanan, sila ang nagbibigay liwanag sa bawat desisyon na ating ginagawa. Sila din ang gagabay sa bawat desisyon na ating iniisip at gagawin. Sa loob ng 9 na buwan ay dinala nila tayo sa kanilanh sinapupunan, kaya naman lagi silang nandiyan upang samahan tayo lalo na sa ating mga tagumpay.

Source: Instagram

Kaya naman, sa bawat laban ng ating People’s Champ na si Sen. Manny Pacquiao ay talagang suportado ang kanyang ina na si Mommy Dionisia at laging nakikitang nagdarasal para sa kanyang anak. May mga pagkakataon pa na talagang pumupunta si Mommy D sa mga live game para maipakita ang kanyang suporta.

Source: Instagram

Pero, kamakailan lang ay nagkaroon ng bakbakan si Pacquiao laban kay Adrien Broner noong January 20. Naipanalo ni Pacquiao ang laro at nadepensahan niya ang kanyang titulo.

Hindi nga naman maikakaila ang labis na pagkatuwa ng marami lalo na ni Pacman. Pero, kapansin-pansin na wala si Mommy D sa kahit saang sulok ng venue.

Source: Instagram

Ayon kay Michael Liamson, boyfriend ni Mommy D nagka asthma si Mommy kaya di na siya nakalipad sa Las Vegas para panoorin ang kanyang anak.

Source: Instagram

“Tapos [umattend] siya ng birthday, after ng birthday, kinabukasan, balik na naman sa hospital,” dagdag pa ni Liamson.

Source: Instagram

Gayunpaman, pingdasal pa rin ni Mommy ang kanyang anak bilang kanyang suporta sa anak.

“Pinagbilin niya sa mga anak niya na bago mag-fight si Manny, i-pray over nila, full-support sa panalangin para manalo,” banggit pa mo Liamson.