Ang tunay na pagmamahalan ay hindi nasusukat sa kahit anumang numero. Walang formula sa tamang edad kung magka edad o ilang taon dapat ang agwat ng dalawang magkasintahan para masabing magsasama sila ng matagal.

Hindi ang agwat sa edad ang makapagpapatibay ng relasyon ng dalawang tao. Kundi ang tunay na nararamdaman na pagmamahal ng mga nag-iibihan ang magiging pundasyon nito. Hindi nga naman talaga ang numero o edad ang makapagsasabi kung magtatagal ang inyong pagsasamahan o relasyon. Ang pagtitiyaga, at pagmamahal ang magiging sukatan ng tunay na pag-ibig. Ang mga ito din ang magiging patunay na mahal ng dalawang taong nagmamahalan.

Dalawang nag-iibigan ang nagpatunay na ‘age doesn’t matter’ sa totoong nagmamahalan. Halos 20 taon nang nagsasama sina Renato Payos at Eloisa Gonzales. Dalawampung taon na nilang pinatutunayan na ang kanilang mga edad ay hindi hadlang sa kanilang buhay pag-ibig. Apatnapu’t apat na taon ang kanilang agwat sa edad, si Renato ay edad limampu at dalawang taong gulang habang si Eloisa ay siyamnapu at anim na taon na. Hindi nga naman talaga pangkaraniwan lalo na’t si Eloisa ang mas matanda sa kanya.

Sa video, makikita nga naman kung gaano kamahal ni Renato si Eloisa. Makikita ang kanilang samahan. Lalo na ngayon na matanda na si Eloisa, ay lagi siyang sinasamahan ni Renato. Pinapakain araw-araw, pinapasyal, kinakantahan at siyempre pinapasaya niya si Eloisa.

Nagkakilala daw noon sina Renato at Eloisa. Si Renato ay isang negosyante habang si Eloisa ay nagtitinda at naglalako ng gulay. Doon sila unang nagkita, bumili si Renato ng gulay kay Eloisa. Hanggang sa inaabangan niya araw-araw si Eloisa at binibili pa niya ang lahat ng paninda para agad nang makauwi si Eloisa.

Ayon kay Renato, marami ang nagsasabi na kapag mas matanda ang babae ay pera lamang ang habol nito. Pero, hindi naman din ganoon kayaman si Eloisa para yun lamang ang habulin niya sa kanya.
Maging ang mga pamilya ni Renato ay pinipigilan siya at pilit tinatanong kung bakit si Eloisa pa ang nagustuhan niya. Pero, sadyang mahal talaga ni Renato si Eloisa at nagpapatunay na ito ang “true love”.