Hair Artist, ipinakita ang todo suporta kay Manny Pacquiao sa pamamagitan ng paggaya ng picture ng laban nila ni Adrien Broner

Nasaksihan ng buong mundo ang napakainit na bakbakan ng ating People’s Champ na si Manny “Pacman” Pacquiao at Adrien Broner. Dito ay talaga namang napatigil ang buong Pilipinas upang mapanood ang sagupaan sa pagitan nilang dalawa. Isa pa, bumandera na naman ang dugo at galing ng Pinoy dahil sa panibagong karangalan na ibinigay ni Pacman sa ating bansang Pilipinas.

Credit: Instagram/The World Boxing Association

Nakipagtaktakan din naman ng husto si Pacquiao kontra Broner para sa titulo. Bandang huli, nakuha ni Pacquiao ang kampeonato via unanimous decision. Iyan ang tunay na galing, gilas at lakas ng ating mga atletang Pinoy. Sumasabay naman talaga ss mga banyaga at may ibubuga sa kahit anumang larangan.

Source: Facebook/Neshell Dacalos

Kaya naman, hindi lang sa sports o pageant may laban ang mga Pinoy maging sa “art” ay napakalalim ng galing ng Pilipino. Isang patunay dito si Neshell Dacalos na taga Cebu City. Siya ay isang barbero na talaga namang napakasigasig sa pagpatay ng tao at pagsalba ng buhay ng tao. Pero, bukod dito ay isa din siyang hair art designer.

Source: Facebook/Neshell Dacalos

Binida at nagtrending naman ang napapanahong laban ni Pacman kontra kay Broner. Inilagay at dinisenyo dito ang mga mukha ng mga higanteng nagtuos para sa titulo. Makikita mo sa kaniyang buhok ang disenyo na ibinida ang ating Pambansang Kamao. Tunay lamang na talagang sumusuporta siya sa laban ni Pacman. Ginawa din daw niya itong bilang pagsuporta sa labanang ito.

Source: Facebook/Neshell Dacalos

Hindi lamang mukha ng tao, kundi marami din namang mga ibang bagay na kasama sa mga disenyo na kanyang ginagawa. Makikita ito sa kanyang Facebook page para sa mga nais magpagawa nito.

Pero bukod sa pag-gawa ng mga hair art duties, ay mayroon din namang iba pang pinagkakabalahan si Neshell. At talaga namang down to earth at may ginintuang puso ang nga ito.

Source: Facebook/Neshell Dacalos

Nagpasimula din siya ng iba’t ibang programa gaya ng libreng gupit sa mga ka barangay na marami ding makikinabang at napaka malikhain talaga ni Neshell.

Source: Facebook/Neshell Dacalos