Magkakapatid na Pinoy, nakaimbento ng Lamp na kumukuha ng kuryente mula sa tubig at asin

Kasama na nga naman ngayon sa mga pangunahing pangangailangan ng tao ang kuryente. Isa sa mga pinaghahandaang bills sa bahay ang electric bill dahil hindi nga naman kakayanin ang walang ilaw o ang napakainit na klima lalo na’t papalapit na rin ang Summer season.

Credit: Goodtimes

Kaya naman, kanya kanya ng paraan kung paano makapagtipid ng kuryente. Ang iba’y nagbabawas sa paggamit ng mga applicances tulad ng refrigerator, air conditioner o anumang electric appliances.

Habang ang iba’y gumagamit ng mga alternatibong mga gamit na mas tipid sa kuryente gaya ng mga LED lights at led appliances. Pero, iba ang bagong imbesyon na ilaw ngayon. Kahit walang kuryente, ay magagamit talaga ito.

Credit: Goodtimes

Isang imbesyon ng tatlong mga kabataang Pinoy na magkapatid pa ang talaga namang kagamit gamit kahit walang kuryente. Isang lamp ang nadiskubre ni Aisa Mijeno na pinapagana ng asin at tubig kasama ang kaniyang kapatid na si Ralph Mijeno at Oscar Bryan Magtibay.

Isa ding computer engineering graduate si Aisa at isa nga ngayong miyembro ng engineering faculty sa De La Salle University sa Lipa, Batangas.

Credit: Goodtimes

Ang imbensyong ito ay magiging alternatibo na sa ating mga nakasanayang uri ng lampara na pinapagana ng kerosene o kandila. Mas maigi nga naman ito dahil environmental friendly ang naturang lampara at mas ligtas dahil hindi pa magiging sanhi ng pagkakasunog.

Hindi lamang iyan ang kayang ibigay ng Sustainable Alternative Lighting o SALt. Pwede din itong magamit kapag nalolowbat ka na dahil instant powerbank na rin ito sa USB port na meron ito.

Credit: Goodtimes

Ayon naman kay Mijeno, wala silang intensyon na agawan ang mga negosyante na agawan sila ng mga customers bakgus sinusuportahan lang nila ang mga nagsusulong ng renewable energy.

Inspirasyon nila ang mga taong nakatira sa mga remote areas dahil lubos na makakatulong talaga ito sa kanila. Isa pa, nais din talaga nilang maging kapaki-pakinabang ang kanilang imbesyon sa mga nangangailangan na Pilipino.

Credit: Goodtimes

Patunay lamang ito na talagang iba ang galing ng Pinoy. Sadyang matalino ang mga kabataan at estudyanteng Pinoy pagdating sa imbesyon.