Babae, ibinigay ang kanyang napamiling pagkain sa isang matandang pulubi at tila ipinaghanda pa ito

Likas sa ating mga tao lalo na sa mga Pilipino ang pagiging maawain at mapagbigay. Hindi na iba sa atin ang tumulong sa ating mga kapwang nangangailangan ng tulong. Lalo na ng mga matatandang walang makain at wala na ring mahahanapan pa ng tulong.

Source: Florendo Bonavente Bern

Kulturang Pilipino na nga kung masasabi ang pagiging bukas palad sa mga may kailangan ng ating tulong, sa kahit anong paraan. Mapa pinansyal man o pagkain o maging mismong ating mga sarili, oras o trabaho. Iyan talaga ang tunay na Pinoy, laging handang tumulong sa oras ng pangangailangan, pagsubok, kalamidad o anupaman. Bayanihan spirit ika nga nila.

Source: Florendo Bonavente Bern

At iyan ang isa sa mga nakuhanan ng video ng isa sa mga netizens na si Florendo Bonavente Bern. Nakuhanan niya ang pagtulong na ito at kanyang pinost sa kanyang Facebook account na may caption na:

“Mabuting gawa! Ung pinamiling pagkain ni ate binigay nalang sa mas nangangaylangan!..♡”

Source: Florendo Bonavente Bern

Makikita sa video ang isang babae na naka kulay Pink na T Shirt at nakasalamin. Mayroon siyang bitbit na plastic at naglalakad. Malamang ay mga pagkain ang kanyang dala at kakabili lamang nito para sa kanya.

Source: Florendo Bonavente Bern

Nakasunod sa kanya ang isang matanda na tila gutom na gutom na. Sa kanyang paglalakad ay nakita ng babae ang matanda. Buti nalang at hindi malabo ang kanyang mga mata sa pagtulong sa matanda at agad niyang nakita ang kanyang pangangailangan.

Source: Florendo Bonavente Bern

Hindi nag-atubili ang babae at pumunta sila sa gilid at ibinigay ang pagkain at inumin na kanyang binili para sa kanya. Sa video, makikita pa ni hindi lamang niya binigay kundi linapitan pa at siya mismo ang nag-abot at nakipagkwentuhan pa sa matanda. Wala kang makikita sa babae na siya ay nandidiri o kung anomang negatibong ekspresyon. Sadyang masaya lamang siya talaga na tumutulong sa kanyang kapwa tao.

Isa itong manipestasyon na buhay pa ang bayanihan sa ating bansa. Hindi na nga lamang katulad ng dati na magbubuhat pa ng bahay. Ngayon ang pagiging mulat sa pagtulong at bukas sa pagbibigay ang bayanihan na kailangan ng ating bansa.