Naalala nyo pa ba si Joyce Jimenez? Ang “pantasya ng bayan” noon, nasaan na kaya ngayon?

Napaisip na ba kayo kung nasaan na ngayon yung mga taong dati niniyong hinahangaan? Yung mga taong nagbigay sa Iyo ng inspirasyon upang maging isang responsableng tao. Lalo na kung yung hinahangaan mo ay isang sikat at respetadong artists noon, siyempre mapapaisip ka din kung ano na pinagkakaabalahan nila ngayon, ano na lagay ng buhay nila, at siyempre kung magbabalik pa sila sa larangan na kung saan sila kakilala.

Photo Source: Inside Reader

Isang aktres na kilalang kilala dahil sa natatangi niyang kagandahan at mahusay na pag arte. Ang mga “batang 90’s” ay kilalang kilala siya at iniidolo. Ang tanyag pa sa kaniyang bansag noon ay ang “Pantasya ng Bayan” na hindi naman mapagkakaila. Kilala mo na ba siya? Oo, siya ang nagiisa at wala ng iba, si Joyce Jimenez. Ang GMA Entertainment News ay naghanap ng mga impormasyon patungkol kay Joyce, narito ang mga nakalap nila.

Si Joyce Jimenez, ipinanganak bilang Joyce Reintegrado sa totoong buhay ay nakilala sa publiko dahil sa kaseksihan niya na dahilan ng pagbansag sa kaniya nilang “Pantasya ng Bayan” na bagay na bagay sa kaniya.

Nagsimula siya sa ilang mga pelikula at isa na dito ay ang “Warat” na kung saan nakasama niya ang aktor na si Jomari Yllana.

Photo Source: Philnews

Hindi lang sa pagiging sexy ang madalas niyang maging karakter sa mga pelikula dahil nasubukan niya rin na makasama sa Romance Comedy Films tulad ng “Ano Bang Meron Ka?” Kasama sa Dither Ocampo, at ang “Narinig mo na ba ang L8test?” Na kasama naman si Aga Muhlach.

Naging parte rin siya ng pelikulang “Pinay Pie” kasama ang Comedy Queen na si AiAi delas Alas at Assunta de Rossi

Naging Cover Girl din siya nilang mga men’s magazines noong 90’s at nshibg siyang cover ng

Photo Source: Youtube

Isang mabuting asawa na FilAm ang naging kasintahan ni Joyce. Si Paul Ely Egbalic ang napangasawa niya noong 2008 at isang miyembro ng United States Air Force

May tatlong anak na siya ngayon na kasama niya. Si Jorja Ely na ipinanganak noong October 2009, si Jaysen Elise noong March 2011, at si Julian Elysson naman noong January 2014 naman.

Photo Source: Kami

Kahit may tatlong anak na siya ay napapanatili niya pa rin ang hugis ng katawan na nagpapaseksi lalo sa kaniya.

Ibinahagi niya sa Facebook ang ilang mga letrato niya at may nakalagay na “The pictures reflect my 3 weeks of progress and to see the changes since have been amazing.

Photo Source: Inside Readers

Not only has my body physically changed but also my eating habits, mentality, and thought process. I’ve realized that it’s not just about the number on the scale but how you feel. The difference in weight is only 5lbs but I can definitely see the changes. If you think that you can’t change your habits YOU CAN, If you can’t lose those last couple of lbs YOU CAN…sometimes you just need a little help, motivation, and encouragement. PM so we can start this health journey together!”

Naging maganda ang epekto ni Joyce sa mga tao lalo na sa mga fans niya. Ngayon, Abangan natin kung saan siya susunod na maipapakita. Ngunit hangga’t may iniidolo tayo ay kailangan pa rin nating malaman ang mga limitasyon natin upang hindi maging masama ang epekto nito sa ating buhay. Sa ngayon, alalahanin ang nakaraan na nagtatanghal ang aktres at sulitin ang panahon na mapanuod siya.

Source: Pinasfact