Aubrey Miles, inamin na ang pagpapa-breastfeed ang dahilan ng kanyang pagbawas ng timbang

Sa panahon ngayon maraming mga bata na ang umiinom ng gatas na gawa sa iba’t ibang produkto dahil sa nagiging busy ang kanilang ina sa kanilang trabaho, kung kaya’t kadalasa’y hindi sila nagiging malusog paglaki.

Source: Instagram

Mas maiigi na painumin ng gatas galing sa kanyang sariling ina upang sa paglaki nito ay hindi mapag-iwanan sa nutrisyon ang bata at hindi maging sakitin.

Source: Instagram

Si Aubrey Miles o mas kilalang Aubrey Santos Sandel sa totoong buhay, na isang pilipinong actress, model at TV host na may roong pawnshop business ay nanganak na noon lamang nakaraang taon 2018.

Source: Instagram

Si Aubrey ay nag post sa kanyang instagram account tungkol sa kanyang anak na noon lamang December 14 nakaraang taon naisilang na kung saan, binanggit niya ang mga benipisyo ng pag papa breast feed sa kanyang anak.

Source: Instagram

Isiniwalat din niya na natulungan siya ng kanyang pag papadede sa iba’t ibang aspeto. Sa kanyang post sa instagram ay binangit niya na ang kanyang anak ay naging malusog.

Source: Instagram

“So far she’s totally healthy and gained weight from all my breastmilk,” sabi ng actress.

Ipinaalam din ng inang actress na naka tulong ito sa kanyang pag bawas ng timbang.

Source: Instagram

“What’s awesome is I lost weight from it. 500 calories per feed. That’s 40mins running n the treadmill. Imagine feeding her the whole day I will gladly do it,” dagdag pa niya.

Source: Instagram

Si Aubrey ay bukas na ibahagi ang kanyang pag-papadede sa kanyang anak sa mga posts sa social media upang magbigay ng inspirasyon sa mga kapwa niya ina.

Source: Instagram

Mayroon paring mga ina ang sinisikap na pag tuunan ng oras at alagaan ang kani-kanilang anak upang ito ay hindi mapabayaan at lumaki sa piling nila, gaya nalamang ang pagpapadede nito, ito ay isang paraan upang ang kanilang mga anak ay lumaki ng malusog at masunurin sa magulang.

Tunay ngang maraming benipisyo ang pag-papadede sa bata sa iba’t ibang aspeto, hindi lang sa bata pati narin sa ina na kung saan pareho silang magiging malusog habang ang bata ay lumalaki.