Ryza Cenon, Ipinakita ang dami ng naipong pera sa buong taon sa kanyang mga Garapon

Sa modernong mundo ngayon, talaga namang bahagi na ng buhay natin ang mga walang katapusang bills at gastusin. Nandiyan na ang groceries, water at electroc bill, baon ng mga bata, tuition fee at mga daily necessities. Wala pa riyan ang mga cellphone load, pambili ng damit o sapatos na di na natin matanggal sa ating mga budget. Hindi pa man nga dumarating ang pera ay mayroon nang pinaglalaaanan ito.

Source: Instagram

Parang may pakpak nga naman talaga ang pera, dumating man ay dadaan lamang sa iyong palad na parang butas ang iyong bulsa sa dami ng mga gastusin. Hindi ba’t nakakasakit nga naman ng ulo talaga ang ganitong sitwasyon?

Source: Instagram

Kaya, hindi lamang dapat ang ngayon ang ating iniisip. Isipin din natin ang ating mga ‘future’. Advance ka dapat mag-isip, para wala kang aalalahanin sa hinaharap lalo na sa iyong finances. Pagdating sa pera, ang pag-iipon ang sagot para secured ang future mo.

Source: Instagram

Ganyan ang ipinamalas ng aktres na si Ryza Cenon. Makikita sa kanyang IG post na talagang ineencourage niya ang kanyang mga fans at netizens na mag-ipon. Biro mo, isang artista yan pero nagiipon pa rin talaga siya, hindi lamang sa bangko kundi literal sa isang lalagyanan.

Source: Instagram

“Bagong taon na kailan na ulit mag ipon. Kayo rin ha mag ipon kayo,” iyan ang caption ng kanyang post sa IG.

Source: Instagram

Makikita na talagang gustong gusto ibahagi ni Ryza ang kanyang ginagawa sa mga netizens para din naman makaipon sila at hindi basta gasta lamang gasta.

Source: Instagram

Samut saring reaksiyon naman ang binato ng mga netizens sa kanilang nakita. Ang iba’y nagsabing nainspire talaga sila at motivation goals ang ginawa ng aktres.

Source: Instagram

“Wow! @iamryzacenon gusto ko ng mga ganyan! Ipon Goals”

“Napa ka simple tao mo ms. @iamryzacenon God Bless you and more project to come!”

“Galing mo tlga ate @iamryzacenon..ako walang kaipon.ipon pgnagkakapera agad sa mall”

Source: Instagram

Mahalaga nga naman talaga ang pag iipon. Mas maganda na ang laging handa at may huhugutin ka sa panahon ng pangangailangan. Kaya, isama mo na sa 2019 goals mo ang pag-iipon.