Isa sa mga problema ng bansa ay ang overload sa mga pampasaherong sasakyan o ang pagpuno ng isang Public Utility Vehicle.
Naging viral ang isang post ng isang Facebook User na si Lyndon Placencia na nakahiga ang mga pasahero sa sahig ng bus.

Ang kadahilanan nitong paghiga ng mga pasahero ay dahil sa pag iwas sa paglabag ng batas.Ang “No Standing Policy ay ang hindi pagtanggap ng standing passengers ng mga bus operators. Ayon sa “No Standing Policy” sa Cebu City, magbabayad ng multa ang sino mang lalabag sa batas ng 5,000 pesos.
Sa pagiimbestiga ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB-7) sa nangyari, hindi naman daw lumabag ang mga bus operators sa policy o hindi rin nagoverload ang bus na kanilang sinasakyan.

“We found out that when the photo was taken, the bus was not moving actually. It was already on standby in Hagnaya Port in San Remigio, and was waiting for the ferry to dock to take it to Bantayan Island,” sambit ni Eduardo Montealto Jr., director ng LTFRB-7.
“It just so happens the passengers seen lying down, who were foreigners, opted to because they were waiting for the ferry to arrive. Both parties’ claims actually coincided,” banggit pa ni director Montealto.

Ayon sa Facebook User, 9:30 ang last trip ng bus mula sa Cebu North Bus Terminal at ang susunod na biyahe pa ay sa hating gabi na.
Pahayag naman ng konduktor, kahit puno na ang sasakyan at may batas na hindi pwedeng magoverload sa bus ay nagpumilit pa rin ang mga pasahero na pumasok dahil na rin sa pagod. Pinapasok at pinaupo ang mga pasahero sa stool o sa “extension” ng bus.
Dagdag pa ng driver, noong break nila sa Hagnaya Port at kabalik ng driver ay nadatnan nito na natutulog na ang mga pasaherong nasa gitna dahil na rin sa pagod.
Isang sitwasyon lamang ito na nagpapakita na maparaan ang mga Pilipno pero huwag nating payagan na ang paraan na ito ay magdulot ng paglabag sa batas.