Manny Pacquiao, tinesting ang isang Sports Aircraft sa America na talaga namang hanep sa ganda

Sa mga laban ni Manny Pacquiao sa boxing ring noon paman, ay tunay ngang kaabang-abang ito sa mga marami nitong taga hanga at sa buong mundo sapagkat lagi itong nananalo at madalang lang ito matalo. Napapa-hinto ang mga tao at naka tututok sa kanilang mga telibisyon at ayon sa balita mababa ang mga krimen na naitatala tuwing laban nito.

Photo Source: TNP
Source: TNP

Hindi maikakaila na marami ng naipundar ang boxer-politician na si Manny, siya ay maraming ari-arian sa Pilipinas man o sa ibang bansa. Isa na rin kaya rito ang amphibious A5 light sports plane? Ito ay siniyasat kasama ng kanyang boxing team sa ICON Aircrafts, na inilunsad sa Sta Monica Airport sa Los Angeles noong December 30, 2018.

Photo Source: TNP
Source: TNP

Ayon sa GMA news, si Pacquao ay sinalubong ng mga tauhan ng ICON Aircraft, a world-renowned consumer sport plane manufacturer sa US. Masigasig na sinubukan ng Pambansang kamao ang sasakyang panghimpapawid.

Photo Source: TNP
Source: TNP

Isinantabi muna ni Manny ang kaniyang pagsasanay upang masaklaw ang sports aircraft.

Photo Source: TNP
Source: TNP

Ayon sa ICON Aircrafts official Facebook page, ang A5 ay nanalo ng mga awards sa world-class nitong produktong disenyo.

Photo Source: TNP
Source: TNP

Para sa kaalaman ng lahat, si Manny Pacquiao ay nagsasanay sa US upang paghandaan ang kaniyang nalalapit na laban kontra sa American boxer Adrien Broner para sa WBA (Regular) Welterweight World Championship sa January 19, 2019.

Photo Source: TNP
Source: TNP

Bukod pa riyan, ang A5 ay mayroong Angle of (redacted) Gauge (AoA), spin- Resistant Airframe (SRA) na pagiging world’s first spin-resistant Light Sport Aircraft, at ICON Parachute System (IPS) na nagbibigay ng ligtas na paglapag sa mga hindi inaasahang sitwasyon.

Hinamon ni Pacquao ang Argentinian boxer na si Lucas Matthysse para sa WBA (Regular) welterweight championship title. Ang dalawa ay nakatakdang lumaban sa July 15, 2018 sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur.

Napatumba ni Pacman si Matthysse sa ika pitong round na nagbigay ng panalo ng WBA welterweight title.

https://www.youtube.com/watch?v=beP9nln12iA

Tunay ngang papalapit na ang mga Laban ni Manny Pacquao, kaya naman marami na namang mga tao ang tututok upang tunghayan ang kaniyang laban. Sino kaya ang magwawagi siya kaya ulit o ang kalaban?